CHAPTER 43 - DNA Result

3.1K 185 15
                                    

HOPPER’S POV :

“Sir, may naghahanap po sa inyo sa labas.” Wika ni Lora.

“Sino?”

“Dr. Lazapin raw po. Kakilala niyo raw.”

Nanlaki ang mata ko kaya patakbo akong lumabas ng bahay. Nandito nga si Dr. Lazapin. Nakatayo lang sa labas ng gate.

“Hi, Doc. Pasensiya na. Naghintay ka ‘ata ng matagal.” Sabi ko nang mabuksan ko ang gate namin.

Nginitian ako ng Doctor. “It's okay, Hopper. Dumaan lang naman ako dito to personally handover this to you.”

It's a brown envelope. Kinuha ko ito mula sa kamay ni Dr. Lazapin pero nanatili ang titig ko sa kaniya at hindi sa hawak ko.

“Nandiyan na ang resulta.” aniya. “Sinadya ko talagang mabilisin ‘yan dahil na rin sa pakiusap n’yong dalawa ng kakambal mo sa akin.” He seriously said.

“Sana tinawagan niyo nalang ako para ako O si Grover nalang ang pinapunta ko sa office mo, Doc.” Sabi ko

“Ayos lang naman, Hop. Sige na, aalis na ako.”

“Salamat, Doc.”

Napabuntong hininga pa ako habang pinapanood siyang paalis lulan ng kaniyang kotse.

Nang makaalis na siya ng tuluyan ay saka lang ako naglakad papasok ng bakuran namin saka isinara ang gate.

“Ate, Pakitawag nga si Grover. Sabihin mo puntahan ako sa kuwarto ko ngayon na.” Utos ko kay Ate Minerva saka ako patakbong umakyat ng hagdanan papunta sa kuwarto ko.

Kinakabahan ako sa makikita kong laman ng envelope na ‘to pero kaakibat nito ay ang puso kong umaasa sa positibong kalalabasan nito.

“Anong problema mo?” Nagdadabog na pumasok ang kapatid ko sa kuwarto ko. “Natutulog ang tao, Istorbo ka.” Reklamo ng gunggong.

Hinagis ko sa kaniya ang hawak kong envelope. “Idinaan ni Dr. Lazapin kani-kanina lang. Ikaw na ang magbukas dahil wala akong lakas gawin.” Sabi ko.

“Is this the DNA result?” He asked and i just nod my head.

“Buksan mo na.” Utos ko sa kaniya. “Gusto ko ng malaman kung anong laman niyan.”

He took a deep breath and nodded. “Hoping for a positive result ..here we go.” Mabilis niyang inalis ang dikit nito saka kinuha  ang papel na nasa loob which is the Result. The DNA result.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now