CHAPTER 39 - Never Give Up

2.9K 172 8
                                    

SIGRID’S POV :

HINDI ko maintindihan kung anong nangyayari. Masiyadong magulo ang mga bagay-bagay. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang pakikitungo ni Lola kay Ma’am Eleina at kung bakit pilit niya akong iniiiwas sa kaniya.

Lolo, ano pong nangyayari?” Tanong ko sa Lolo Gaudencio kong pilit akong ipinasok dito sa loob ng bahay kanina nang magsimula na akong magtanong. “B-bakit po kilala ni Ma’am Eleina si Lola?” muling tanong ko.

“Siguro’y nagkita sila sa kung saan — ”

“Lolo, please.” Putol ko sa kaniya. “Huwag niyo naman po akong paikutin. Alam kong magkakilala silang dalawa kaya nga Yaya ang tawag ni Ma'am Eleina kay Lola, e. Ang tanong ko lang po ay kung ano po talagang nangyayari?”

“Apo, hindi ko alam—

“Lola!” Bulalas ko nang makita kong papunta sa amin si Lola Maurita na putlang-putla. “Lola, ayos ka lang po ba?” Tanong ko.

“Ayos lang ako.”

Umiling ako saka tumakbo sa kusina para ikuha ng tubig na maiinom si Lola Maurita at kaagad ding bumalik sa kanila ni Lolo Gaudencio.

Inumin niyo po ito, Lola, para makalma po kayo.” Sabi ko saka inabot sa kaniya ang dala kong baso ng tubig. “Ano po bang nangyari, Lola? Bakit napakalamig ng pakikitungo ninyo kay Ma'am Eleina kanina saka ano po yung mga sinasabi niya?” Tanong ko. “At bakit nasa atin po ang mga gamit ng anak niyang namatay? Anong — ”

“Sigrid, ang dami mong tanong.” Putol ni Lola sa akin kaya napayuko nalang ako.

“S-sorry po. Naguguluhan na po kasi ako kaya nagiging mausisa na po ako.”

“Hindi naman dahil may mga nakita silang mga gamit na nahahalintulad sa mga kagamitan ng anak ng Eleina na yun ay iyon na mismo. Maari naman kasing magkatulad lang sila.” Wika ni Lola.

Pero, Lola — ”

Pumasok ka na muna sa silid mo, Sigrid.” Utos ni Lola na bakas na rin ang iritasyon sa kaniyang boses. Kalimutan mo na rin kung anong nangyari ngayon at huwag na huwag mo ng papupuntahin ang kahit na sino sa mga taong ‘yun dito sa bahay natin.”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now