CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd

5.1K 269 13
                                    

SIGRID'S POV :

Nakaupo lang ako sa damuhan sa ilalim ng puno. Nagbabasa ng libro para pampalipas oras. Hindi ko kasama sina Alanis at Madison. Lunch time na kasi kaya tinakasan ko sila. Nakakahiya naman kasi dahil nagbabalak na naman si Madi na ilibre ako. Ayaw ko naman silang abusuhin kaya umiwas na ako kaso paniguradong magtatampo 'yun sa'kin.

Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman kong may tumabi sa'kin.

What the hell is he doing here?

"Hey, Nerd."

Hindi ko pinansin si Kenshi. Alam kong pagtitripan lang ako ng engot na 'to kaya bahala siya sa buhay niya. Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng Libro.

"Pipi ka ba?"

Manigas ka. Hindi kita papansinin. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Out of all places, dito pa niya naisipang tumambay? Nakita naman niya sigurong nandito na ang Nerd na sinasabi niya 'di ba?

"Wala ka ba talagang planong kausapin ako?"

Wala talaga. Hindi naman tayo close. Hmp!

Hindi na ako makapag-focus sa binabasa ko pero nakatuon pa rin ang atensyon ko sa libro na kunwari'y nagbabasa. Ayaw ko lang kasing—

"Give me back my book!" mataray na sabi ko nang biglang agawin sa akin ni Kenshi ang librong hawak ko.

"Nah-ah. Sa akin na 'to."

"What? No! Ibigay mo na sa'kin 'yan. Puwede ka namang manghiram sa Librarian ng book sa Library e." i said.

"Kapag kinakausap kita, matuto kang tumugon." aniya. Ang kapal naman talaga ng mukha ng gagong 'to. "Pero dahil hindi mo ako kinakausap kanina, papatawan kita ng parusa."

"Ano ba kasing gusto mo ha? Bakit mo ba ako pinag-aaksayahan ng panahon mo? Nerd nga ako 'di ba? Kaya dapat hindi ka lumalapit sa akin at mas lalong hindi mo dapat ako kinakausap." iritadong saad ko. Nakakairita naman kasi 'tong engot na ito. Akala mo naman kung sinong guwapo at makapangyarihan. Leader lang naman siya ng mga hambog.

"Yeah. You're absolutely right kaya, " sinadya niyang bitinin ang kaniyang sinasabi saka tumayo at pinagpag ang kaniyang sarili habang hawak pa rin ang aking libro. "Aalis na ako."

"Akin na muna 'yang libro!"

I was about to snatch it from him but he's too alert. Nailayo niya kaagad sa akin ang libro at saka siya ngumisi ng Mala-demonyo. Ganu'n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang buklatin niya ang libro at walang sabi-sabing pinagpupunit ang bawat pahina nito.

Hindi sa akin ang librong 'yon dahil hiniram ko lang sa librarian kanina at nangakong isasauli ko rin kaagad. Wala rin akong pambayad para dito kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now