CHAPTER 19 - Trouble

3.3K 202 7
                                    

SIGRID'S POV :

Arrgghh!! Nakakainis! Nasaan na ba kasi 'yung shokoy na 'yun? Sabi niya maaga akong pumasok kasi maaga din siyang papasok tapos mag-iisang oras na ako dito, wala pa rin siya. He ruined my peaceful sleep for nothing! Buwiset talaga ang lalaking 'yun. Medyo madilim pa man din at wala pang gaanong estudyante maliban sa mga may maagang klase.

"Hi, Mis "

"Ay Tipaklong!!" Napalundag pa ako sa gulat sa pagsulpot ng tatlong lalaki sa likuran ko. Pare-pareho silang hindi ko kilala pero nakasuot sila ng uniform ng Heuron. "A-anong kailangan ninyo?" medyo kabadong tanong ko.

"Wala naman. Ako nga pala si Rex, 'eto naman si Samuel at siya," Turo niya sa lalaking katabi lang ni Samuel. "Siya si Reegor."

"And we are the Heuron's real bad boys." Nakangising wika ni Reegor. "Not those goddamn Seven bastards." He added. Still smirking.

Bigla akong kinilabutan. Wala akong tiwala sa mga pagmumukha ng tatlong 'to na mas pangit pa sa pitong shokoy ng Heuron.

"O-okay.." I smiled nervously. Matapang ako pero hindi naman sa lahat ng oras matapang ako. "I-i'm leaving.. hehe.." Patalikod akong humakbang para makita ko kung hahabulin ako ng tatlo. "..hehe b-bye!"

Umisang hakbang si Samuel papunta sa 'kin kaya umisang hakbang na rin ako patalikod pero nagulat ako nang bumangga ang likod ko sa isang matigas na bagay na siyang ikinahalakhak ng tatlong pangit na unggoy.

Pangit ka din.

Mind naman. Huwag ka namang makipagbangayan sa 'kin ngayon.

"Ah..e.. hehe .." Bathala. Parang nakikipagkakera na ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko. "S-sige ..hehe. A-aalis na ako." Paalam ko ulit sa tatlo na tawa pa rin ng tawa.

Pag-ikot ko sa likuran ko at makita kung saan ako bumangga, Mas nadagdagan na ang kaba at takot na nararamdaman ko.

Jesus Christ! Help me oh Lord!

"Hey, nerd." Nakapamulsang bati sa 'kin ng isa sa apat na lalaki na siyang kaharap ko ngayon. "Oh," Tumingin siya sa likuran ko kung nasaan naman sina Samuel, Rex at Reegor. "By the way, sila ang mga kagrupo namin." Turo niya sa tatlo. "Alam kong kilala mo na sila so," Humakbang siya ng isa kaya mas malapit na siya ngayon sa 'kin. "Kami namang apat ngayon ang magpapakilala sa 'yo."

"Ah, hehe.. " Tumawa ako. Tawa ng kinakabahan. "Next time nalang ha? May hahanapin pa kasi ako. Bye- "

"Not so fast, Sweetie." Humarang sa 'kin ang lalaking nakasuot ng Gray na Bonnet. "Aalis ka kapag sinabi namin. Okay? Maliwanag?"

Bathala! Mas gusto ko pang palaging kasama ang Pitong Shokoy ng Heuron kaysa sa Pitong unggoy na 'to. Para silang mga Killers.

"Anong pangalan mo?" Tanong ng unang lalaking kausap ko kanina sa kanilang apat.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now