CHAPTER 46 - Pain of Yesterday

3K 194 24
                                    

SIGRID’S POV :

Nakaupo ako ngayon sa mahabang bangkito, Kasama sina Lolo at Lola pero wala pang nagsasalita sa amin. Pinili na rin nila Hopper at Grover na manatili muna sa labas para bigyan muna kami ng privacy ng mga Lolo’t Lola ko pero wala rin akong mahapuhap na salitang maaring sabihin.

“L-Lola,” Ako na ang bumasag sa nakakabinging katahimikan kahit nangangapa pa rin ako ng salitang sasabihin. “Lolo,” Dahil napapagitnaan nila ako, Hinawakan ko ang magkabilaan nilang kamay. “S-sorry po.”

Nagulat ako nang bigla akong hilain ni Lola Maurita para sa isang mainit at nananabik na yakap.

Ako, Apo.” Sambit niya habang humahagulgol. “A-Ako ang dapat na magsabi niyan sa ‘yo, Apo. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa ‘yo kaya, Apo, Patawarin mo ako.”

Naramdaman ko rin ang pagyakap ni Lolo sa akin from behind kaya hindi ko na rin napigilan ang unti-unting pagpatak ng luha ko. Silang dalawa ang lakas at kahinaan ko kaya nahihirapan akong mapalayo sa kanilang dalawa.

“Patawarin mo kaming dalawa ng Lola mo, Sigrid.” Wika ni Lolo na humalik pa sa ulo ko. “Hindi namin sinasadyang maipit ka sa gulo, Apo. Hindi rin namin gustong ipagdamot ka sa tunay mong pamilya dahil alam ng diyos kung gaano namin kagusto ng iyong Lola na mapabuti at mabigyan ka ng maginhawang buhay. ‘yun nga lang ay,” Dinig ko ang malalim na buntong hininga ni Lolo. “Hindi madali sa amin ang isauli ka sa kanila na parang isang simpleng bagay lamang. Mahal na mahal ka namin, Sigrid. Alam mo ‘yan, Apo. Kaya ang isipin pa lamang na mapalayo ka sa amin ng iyong Lola ay napakahirap na pero ngayon na tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para maibalik ka sa tunay mong pamilya, Wala na rin kaming magagawa kundi ang hayaan ka at tanggapin nalang ng maluwag sa aming puso na hindi ka maaring manatili sa piling namin ng habambuhay dahil hindi kami ang tunay mong pamilya.” Mahabang litanya ni Lolo na mas nagpaluha sa akin.

“Pero bago ka namin tuluyang hayaang mapunta sa kanila, Gusto ko sanang makausap ang buong pamilya mo at sabihin sa kanila ang tunay na pangyayari na nagdala sa iyo, sa amin.” Wika naman ni Lola Maurita na hanggang ngayon ay sumisinghot-singhot pa rin. “Gusto kong lahat tayo ay matahimik na upang magkaroon na rin tayong pare-pareho ng panatag na pamumuhay at kalooban.”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now