CHAPTER 49 - His Anger

2.8K 167 11
                                    

SIGRID'S POV :

"Aw. The nerd is here." Salubong ni Sugar sa 'kin. "How does it feel of being fooled by someone - "

"Pakialam mo ba?" pambabara ko sa kaniya. "Gusto mong maranasan?"

"Oh, no. No, Darling. Hindi naman kasi ako kasing tanga mo. Utu-uto. Binola ka lang, Naniwala ka na kaagad?"

"Big deal 'yun sa 'yo, Sugar? Wala na nga sa 'kin 'yon at isa pa, Hindi naman naging kami ni Kenshi kaya wala kang dapat ipagselos O baka naman," I paused and smiled innocently. "Baka naman naiinggit ka kasi kahit laro lang 'yung panliligaw ni Kenshi sa 'kin, The fact na niligawan niya ako - "

"Shut up, will you?!" Bulyaw niya sa 'kin.

Tinamaan ko 'ata ang kalandian niya. Ma-push nga.

"Why would i stop? Kapag pinapatigil ba kita sa pangingialam sa 'kin, Tumitigil ka ba? Hindi naman, 'di ba? Now tell me, Naiinggit ka ba?"

"Bakit naman ako maiinggit sa 'yo? Eww! You're a loser."

Tumawa ako saka siya tinalikuran pero napahiyaw ako nang biglang may humila sa buhok ko mula sa likuran.

"Kapag hindi pa tayo tapos mag-usap, Huwag na huwag mo akong tatalikuran ha? Matuto kang gumalang sa mas nakakaangat sa 'yo!" Bulyaw na naman ni Sugar sa 'kin.

Inuubos talaga ng babaeng 'to ang pasensiya ko. Bahala ng mauwi kami mamaya sa Guidance Office.

Bilin ni Lola sa 'kin huwag akong magpapaapi at iyon ang gagawin ko ngayon.

"Bitawan mo ako!!" Sigaw ko at gamit ang lahat ng lakas ko, Buong puwersa kong hinila ang dalawa niyang kamay at saka siya itinulak. "Hindi ako mananakit ng kapwa ko hanggat hindi nila ako kinakanti." I said and took a warning step forward, Close to her. "Aren't you tired of your shits? Bakit ba gustung-gusto mong inaaway ako? Sagot!!"

Hindi pa ako lumilingon sa likuran ko pero alam kong nagdadagsaan na naman ang mga tsismosa naming Schoolnates.

"Attention seeker kang hayop ka. Tumayo ka d'yan at ngayon ka magmaldita. Akala mo ba uurungan pa kita? Ubos na ubos na ang pasensiya ko sa 'yo in case you don't know." nanggigigil kong sabi and was about to slap her but i stopped myself from doing it.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon