CHAPTER 37 - Necklace

2.8K 178 19
                                    

HOPPER'S POV :

Boredom strikes again. Tinatamad din akong umalis ng bahay at saka wala naman akong maisip na puwedeng tambayan sa labas. Wala ring kasama.

"Ate Minerva, nasaan si Mommy? Lumabas na ba?" Tanong ko sa naglilinis naming katulong.

"Oo, Sir. Maaga siyang umalis dahil may kikitain daw siyang Client. Sumabay pa nga po siya sa Daddy ninyo, e."

I nodded. "Si Grover gising na?"

"Hindi ko alam, Sir. Hindi pa naman po siya lumalabas ng kaniyang kuwarto."

"I see. Nakapaglinis na ba kayo sa Office ni Mommy? I mean, pinayagan na ba kayong pumasok ng Office niya?" Kunot-noong tanong ko.

Simula kasi nang mangyari ang pagkawala ng Relos niya na si Maya ang may gawa, Naging mahigpit na siya dahil hindi na nagpapasok ng mga katulong namin para linisin iyon.

"Hindi pa, Sir. Siya nalang daw po ang bahalang maglinis roon kapag nagkaroon na siya ng libreng oras." Tugon ni Ate Minerva.

"Ako nalang ang maglilinis do'n." sabi ko.

"Pero, Sir - "

"Hindi sanay sa madumi si Mommy, Ate Minerva. Kung hindi niya kayo pinapayagang pumasok ng Office niya para maglinis, Paano nalang 'yon?" Kinuha ko sa kaniya ang basahan at walis kaya hindi na siya nakatanggi pa. "Alam din naman nating palaging busy si Mommy lalo na ngayong malapit na ang Birthday ni Daddy kaya huwag na natin siyang asahang magkaroon ng libreng oras para linisin ang opisina niya." Dagdag ko.

"Sir, pasensiya na ha. Kung hindi sana ginawa ni Maya 'yun, Hindi sana kayo maglilinis. Pasensiya na talaga."

"Ayos lang, Ate Minerva." Sabi ko. "Naiinip din naman ako kaya kailangang may gawin akong pampalipas oras." I added. "Sige." Tinalikuran ko na siya't tinahak na ang daan papunta sa direksyon ng opisina ni Mommy dito sa bahay.

ALAS Otso na ng umaga pero mukhang tulog pa rin ang magaling kong kakambal. E, kung buhusan ko nalang kaya ng nagyeyelong tubig? Tch.

"Hey." napatingin ako sa pintuan. "Himala. Ikaw ang naglilinis ngayon. Nasaan ba sina Ate Lora?"

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now