CHAPTER 28 - Beginning

2.9K 186 9
                                    

KENSHI’S POV :

Nasa iisang hapag-kainan kami nila Mommy at Daddy pero parang magkakalayo kami dahil walang nagsasalita sa aming tatlo. Nakikiramdam lang din ako sa kanilang dalawa na parehong hindi nagpapansinan.

“Nag-aaway pa rin ba kayong dalawa? Dad? Mom?” Hindi ko na napigilan ang bibig ko.

Hindi.” Tugon ni Daddy.

“Hindi? Kung gano'n, bakit hindi kayo nagpapansinan?”

“Hindi ko alam — ”

“Oh c'mon, Conrad.” pabagsak na nilapag ni Mommy ang kutsara’t tinidor niya sa kaniyang pinggan saka pinukol ng matalim na tingin si Daddy. “Malaki na ang anak mo kaya huwag mo ng purgahin ng kasinungalingan mo. Aminin mo nalang na may babae kang mas bata — ”

“Will you just shut the hell up, Vera?!” inis na tumayo si Daddy. “Stop feeding your son with nonsense — ”

“Tama na, Conrad. Tama na ang kasinungalingan mo.” kalmado ngunit may diing wika ni Mommy. “Alam ko kung anong nakita ng dalawa kong mata at alam ko kung anong mga kalokohan ang mga pinaggagagawa mo habang nakatalikod ako.”

“Tigilan mo na ang kakabintang mo!” sigaw ni Daddy kay Mommy. “Wala akong ginagawang masama behind your back — ”

“I saw you!” Nagsimula na ring magtaas ng boses si Mommy. “I saw you with a girl half of your age, Conrad.” Natigilan si Daddy; Gano'n din ako. “Nakita ko kayong magkasama palabas ng Pacita's Motel!”

What the fuck.

“Hindi ako ‘yun!” Tanggi ni Daddy. “Kinakain ka lang ng matinding selos kaya kung anu-ano nalang ang nakikita mo.”

“Hindi pa ako tapos, Conrad. Magpasalamat ka’t hindi ko nakita ‘yung mukha ng babaeng ‘yun nang araw na ‘yun but that doesn't mean na titigil at tatahimik nalang ako.” May pagbabantang saad ni Mommy. “Aalamin ko kung sino ang babaeng ‘yun.”

“Shut up! Tigilan mo na ang kahibangan mo, Vera — ”

“Ano ba?!” Sigaw ko. “Talaga ba?! Mag-aaway kayo sa harapan ko? Dammit! Sinasabihan niyo akong basagulerong dapat magtino pero paano ko gagawin ‘yun kung dito mismo sa pamamahay na ‘to walang nangyayaring mabuti’t tama?!”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now