CHAPTER 78 - Bitter Prince

1.9K 108 28
                                    

HARVY'S POV :

Huminga ako ng malalim. Habang nagmamaneho ay pasulyap-sulyap din ako kay April Miracle na nasa passenger seat at tahimik na nakatanaw sa labas sa katabi niyang bintana.

"What's on your mind?" I broke the silence between us. "Kanina ka pa tahimik."

"Wala. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko."

"How are you?"

She smiled but it didn't reach up to her eyes. "I'm fine, Harvy."

"You're lying, AM. Ako naman ang kasama mo ngayon kaya puwede kang maging honest sa 'kin." Giit ko habang sa daan nakatuon ang paningin.

Ramdam kong nakatitig siya sa 'kin. "Can you keep a secret? Are you a good secret keeper, Harvy?" seryoso niyang tanong.

Saglit akong tumingin sa gawi niya at muli ring nagbalik ng tingin sa daan. "Siguro siraulo at tarantado ang tingin o pagkakakilala mo sa 'kin, AM, pero kapag sinabi kong oo, sana paniwalaan mo."

"About your friend- about Saiyan." She let out a deep sigh, "Hindi totoong hiwalay na kami, Harvy."

"What? How?"

"Ang sabi niya sa 'kin pumayag lang siyang ma-engaged kay Melody dahil sa 'kin at sa pamilya ko. Sabi niya hihinto sa panggugulo sa amin ang Lolo niya kapag pumayag siya sa gusto niya which is to be engaged with Melody." Mahaba niyang paliwanag.

I glanced at her. "And you really believed him?"

she nodded. "I love him, Harvy."

"Nakita ko ang nangyari kanina. Alam mo, matalinong bobo ang kaibigan kong 'yon." I chuckled. "Marami naman kasing ways para hindi kayo pakialaman ng Lolo niya. Isa na ro'n ang pagtanggap niya sa posisyon na bibitawan ng Lolo niya pagdating ng araw that means, hindi na niya kailangang ma-engaged sa Melody na 'yon. Ayaw niyang saktan ka ng Lolo niya pero siya mismo ang reason kung bakit ka nasasaktan. Am i right, AM?"

Napipilan siya. Tama ako dahil kitang kita ko kanina sa lobby ng Silvermine hotel kung paano niya iniiwas ang sarili niya kay Saiyan at sa kasama niya.

Huminga ako ng malalim. "Better know your worth, AM, than regret everything when time comes at mag-iba ang lalandasin ng tadhana. Alam kong naging bully din ako sa 'yo noon but trust me, nagbago na ako and I care for you now. Your brothers are my best friends kaya parang kapatid na rin kita ngayon."

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now