CHAPTER 47 - Starting Over Again

3.2K 222 8
                                    

SAIYAN'S POV :

Dammit!

Nakapikit akong kinakapa-kapa ang cellphone kong kasalukuyang nagriring sa ibabaw ng bedside table kung saan ko inilapag kagabi bago ako natulog. Kung bakit ba naman kasi may mga taong sa ganitong oras pa napiling tumawag. Ang himbing pa naman sana ng tulog ko.

"Hello? Who's this?"

"Stupid. Kailan mo pa binura ang number ko diyan sa cellphone mo? Hinayupak. Wala kang utang na loob." Boses ni Grover ang nasa kabilang line.

Mabilis akong nagmulat ng mata at tiningnan ang nasa Caller ID para makasiguro at hindi nga ako nagkamali dahil pangalan ng kumag ang nakarehistro.

"Grov, Natutulog ako. Actually, Mahimbing na natutulog tapos bigla kang tatawag. Natural nakapikit ako nang sagutin ka kaya anong ini-expect mo? Siyempre - "

"Okay, okay. Gets ko na at pasensiya na. Kailangan ko lang kasi ng tulong mo, Bro."

Umayos ako ng higa bago nagtanong ng, "Bakit? Ano na naman bang problema mo, Grov?" Tanong ko sa kaniya sabay hikab.

"Kung may oras ka mamaya, puwede mo bang dalawin sina Lolo Gaudencio at Lola Maurita?"

My brows knitted. "Why? What happened to them? Why do i need to visit them?" Sunud-sunod kong tanong na napabalikwas pa ng upo. "Si Sigrid, Okay lang ba siya?"

"Chill, Bro. Ayos lang si Sigrid. Anyway, as i was saying, Kung may oras ka baka puwede mong puntahan sina Lolo Gaudencio at Lola Maurita pero 'wag kang masiyadong mag-alala, Walang masamang nangyari sa kanila. Gusto ko lang na bisitahin mo sila at alamin ang kalagayan nila."

"Nasaan ba si Sigrid?" I asked. "May nangyari bang hindi ko alam, Grov?"

"Yeah, pero hindi ko muna sasabihin sa 'yo. Basta gawin mo nalang 'yung sinabi ko, okay? Balitaan mo nalang ako, Bro."

Napabuga ako ng hangin. "Okay, okay. Pupuntahan ko sila mamaya."

"Thanks, Bro. Anyway, Nagkausap na ba kayo ng kumag na si Kenshi?"

"Why would i talk to him? The hell i care with that stupid bastard, Grov. Napaka-stupid niyang tao." I said in grimace. "Dapat nga hindi na siya kabilang sa grupo kasi hindi naman siya mapagkakatiwalaan."

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now