CHAPTER 33 - Preparations

3.1K 187 32
                                    

A/N : Dapat kahapon pa ako nag-update kaso nagloko na naman ang Wattpad app ko. Nakakapikon. Pasensiya nalang po sa mga umasa at nag-abang ng update kahapon kung mayro'n man. Hehe😂

HAPPY READING! シ Muapss!

∽∽■∽■∽■∽∽

KENSHI’S POV :

ANG Bilis ng araw. Acquaintance Party na namin bukas at hanggang ngayon wala pa rin akong Partner. Paano ko ba yayayain si Sigrid para maging partner ko bukas? Tsk. Ayaw ba naman akong makita.

Sinong partner mo bukas, Grov?” Tanong ni Oswald kay Grover.

Si Madison.” Nakangising tugon ng huli. Ikaw? Type mo si Alanis 'di ba?”

Suplada nga yung babae na yun, e.” dismayadong saad ni Oswald.

Sadyang mahina lang talaga ang convincing power mo, Waldo.” Humahalakhak sa tukso ni Harvy kay Oswald.

Gago. Kung makapagsalita ka naman d’yan. Hindi mo nga kaya si Sabrina, e.” Balik tukso ni Oswald kay Harvy.

Anong hindi? Man, siya ang partner ko bukas baka akala mo.”

“Tsk. E, ikaw?” Baling ni Waldo sa ‘kin. Sinong partner mo bukas?”

I shook my head. Wala pa. Hindi ko pa nakakausap si Sigrid — ”

“At ano namang kinalaman ni Sigrid sa magiging partner mo bukas?” Putol ni Saiyan sa ‘kin.

Seloso.

Ngumisi ako. “Simple lang. Siya kasi ang partner ko bukas.” Pagsisinungaling ko na ikinatawa ng mga kaibigan ko. Anong nakakatawa?”

Sigurado kang ikaw ang partner niya bukas?” Saiyan asked.

“Of course. Hundred and ten percent sure, Sai.” I said, smirking. Muli na naman silang nagtawanan kaya medyo nakakaramdam na ako ng pagkapikon. Anong nakakatawa?” i asked irritatedly.

“Ang lakas mong mag-ilusyon, Bro.” Hopper said, Chuckling. “Sabi mo wala pa dahil hindi mo pa nakakausap si Sigrid tapos may nalalaman ka pang Hundred and ten percent.” Humalakhak pa ang gago. “Saka 'wag ka ng mangarap dahil may partner na si Sigrid. Si Anthon.”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now