CHAPTER 70 - Wicked Plan

1.7K 113 5
                                    

HOPPER’S POV :

“Problem?” Kenshi asked before he gulped the last drop of his wine from his goblet.

Tinungga ko rin ang halos kalahating laman ng aking kopita bago nagsalita, “Have you seen today's newspaper? Nanood ka na ba ng balita sa TV or maybe, nasabi na sa ‘yo ni Uncle Conrad ang tungkol sa nangyari sa GHAM?”

GHAM stands for Grover Hopper April Miracle. Isang food and beverage company na itinayo pa ng aking ama 16years ago.

“What happened, Hop? GHAM is one of the world’s largest food and beverage, right? Paanong sa isang iglap ay nalugi?”

I shook my head. “I don't know. Hindi ko makausap ng maayos si Daddy dahil palaging lasing. Si Mommy naman iyak lang ng iyak.” I heaved a deep sigh. Ang bigat sa dibdib, Bro.”

“Hindi pa naman siguro kayo maghihirap right?”

Marahan akong natawa at umiling. “For heaven's sake, Bro, iyan pa ang una mong naisip pero para sa ikatatahimik mo, Hindi.”

“Paano kung tayo nila Grover naman ang mag-start? Ang magtayo ng sarili nating company?”

Napatitig ako sa kaniya ng diretso, “Sa tingin mo makakaya natin yon?”

Nagkibit siya ng balikat. “Hop, lahat nagsisimula sa maliit. Mabuti nga yung ngayon palang magsisimula na tayo so that when time comes, hindi na tayo mangangapa.” Positibong aniya.

Nagsalin ako ng alak sa kopita, Ano namang nakain mo at biglang nagtino ‘yang utak mo?” Nanunudyong tanong ko bago tumungga.

“I'm a father now, Brother.”

Kamuntikan ko ng maibuga sa pagmumukha niya ang laman ng bibig ko. Aba'y siraulo ba naman!

Anak ka ng— ano na namang kalokohan yan, Kenshi?”
 
Humalakhak siya bago dinampot ang phone niya sa bar counter at nag-scroll.

“Here. Tingnan mong mabuti.” inilapag niya sa harapan ko ang phone niya kaya agad ko naman itong dinampot.

Lumalim lang lalo ang gitla sa nuo ko nang makita ko ang dalawang batang magkaakbay sa picture. “Sino naman ang mga batang ‘to?” Tanong ko.

Iyan sina Mica at Rafael. Mga anak namin ni AM.”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now