CHAPTER 45 - The Bet

3.1K 199 11
                                    

KENSHI’S POV :

Ang weird ng kinikilos ng kambal at ni Sigrid. There's something wrong with their sudden closeness.

“Bakit kasamang dumating nila kambal si Manang?” Pabulong na tanong ni Harvy sa ‘kin. “Dati kasi ang mga kaibigan lang ni Manang ang sumusundo sa kaniya O kaya naman ay si Saiyan tapos ngayon, nag-iba ‘ata ang ihip ng hangin at pati na ang kambal ay nahumaling na sa babaeng yan.” pagdadaldal ng kumag.

“E, ano bang problema mo kung magkakasamang dumating yung tatlo?” Pabalang kong sagot. Manahimik ka na nga lang kasi d’yan, Harvy.”

“Tch. Tinamaan ka na talaga sa babaeng yun. Baka nakakalimutan mong — ”

“Shut up, Harvy. Hindi ka nakakatulong, okay? Baka mamaya marinig ka pa ng kung sino d’yan.”

Ngumisi naman ito at nagpailing-iling. Malaki na nga talaga ang tama mo, Kenshi.” He mumbled. “Ano, handa ka na bang makipagtagisan kay Saiyan ng galing sa panliligaw?”

“May the best man win, Harvy. Handa akong manalo, same as handa rin akong matalo.”

“You need my help?” seryosong tanong ng kumag.

“No — ”

Anong pinag-uusapan n’yo?” Biglang sabad ng isa pang kumag. Si Hiro.

“Si Kenshi seryoso na sa panliligaw kay Garcia.” Wika ni Harvy. “Do you believe that? Oh, man. I can’t even imagine him courting that campus nerd.”

E, kung sipain ko kaya ang kumag na ‘to? Nag-offer pa ng help kanina tapos dadaldal na naman. Hinayupak talaga, e.

“But what about the betting?” Biglang tanong ni Hiro na ikinatigil ko.

Naalala ko ang naging pustahan naming tatlo bilang libangan nu’ng araw na tumambay ako sa bahay nila Harvy ...

[FLASHBACK] ..

“Simple lang naman ang gagawin mo. Makinig kang mabuti bago ka magdesisyon kung papayag ka at kung gusto mong gawin.” ‘yan ang eksaktong sinabi noon ni Harvy habang nakangisi. Magpustahan tayo. Kailangan mong magpanggap na may gusto ka kay Sigrid at ligawan mo siya. Kapag napasagot mo siya, Ikaw ang panalo ngunit kung hindi, Well, alam mo na. Talo ka sa pustahan. Game?”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now