CHAPTER 2 - First Encounter

7.1K 325 17
                                    

OSWALD’S POV

Ipinarada ko sa parking lot ng HEURON ang kotse ko. Yeah, First day of school and i’m a bit excited.

“Hello?” i answered. It’s Kenshi on the other line. Tanging kotse nalang niya ang wala pa dito na nakaparada. “Nasa’n ka na, Bro?”

“I’m on my way. Nasa Heuron ka na ba?” Tanong niya.

“Yeah. Kakarating ko lang din actually. Ano, hihintayin ba kita dito sa labas? Nasa loob na ‘yung tropa mong sindikato.” i said.

“Malapit na ako diyan. Hintayin mo nalang ako.”

“Oka—Aba? bastos ‘yung Kenshi na ‘yun ah. Pinatayan ako ng tawag? Tsk tsk.

Lumabas ako ng kotse ko at sakto namang may pumaradang kotse. Si Kenshi na siguro. But, No. It’s Sugar. Dammit! Kung minamalas ka nga naman.

“Hey, Waldo!” Kingina! Ilang beses ko ba dapat ulit-ulitin na hindi Waldo ang pangalan ko? Oswald nga kasi. “How’s your vacation?”

“Anong kailangan mo, Asukal? Kung si Kenshi lang ang nilapit mo, wala pa siya kaya shoo! Umalis ka na sa harap ko.” pagtataboy ko sa kaniya. Hindi ako masungit lalo na pagdating sa mga babae pero, Men, Si Sugar ‘to na daig pa ang aso kung makabuntot sa kaibigan ko. Tsk.

“You’re so masungit! Hmp!” See? Ang arte. “Diyan ka na nga.”

“Madapa ka sana.” pahabol ko sa kaniya na ikinairap niya.

Bakit ba kasi ang tagal tagal ng Kenshi na ‘yon? Unang araw pa lang ng klase pero ang bagal bagal na niyang kumilos tapos gusto niyang magtapos with flying colors? Oh man! Mahirap yata ‘yon.

May pumaradang sports car sa tabi ng kotse ko. Kay Kenshi na ‘to. Hinintay ko siyang makalabas.

“Hey! Good morning.” Bati sa’kin ng gago.

“Anong Good sa morning kung pinaghintay mo ako ng matagal? Tapos nakita ko pa ‘yung Asukal na bumubuntot sa’yo.” minsan lang ako magsungit kaya sasagarin ko na. Tinawanan pa ako ng gago. Ano bang nakakatawa du’n?

“Huwag mo ng pansinin ‘yon. Halika na.” Tingnan mo. Pinaghintay ako tapos uunahan pa akong maglakad. Bastos talaga e.

Kailangan ko pang habulin para makasabay ako sa kaniya sa paglalakad. Akala ko nasa loob na ang lima pa naming tropa pero nasa Main gate lang pala ang mga ito. Malamang inaabangan kami ni Kenshi.

“Yow!” Bungad ni Hiro sa’min. “Akala namin hindi na kayo nagising.” tatawa-tawang aniya. Isa pa ‘tong mokong na ‘to. Panira ng araw.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔On viuen les histories. Descobreix ara