CHAPTER 50 - Chocolate Cake

2.8K 182 6
                                    

HOPPER’S POV :

Problem again.

“May balita na ba sa grandparents ni AM?” I asked my twin brother.

“Wala pa, ‘tol. Si Saiyan nga rin hindi mapakali sa paghahanap.”

“Fuck! Anong gagawin natin ngayon? Nu’ng nakaraan pa ako kinukulit ng kapatid natin.” Sabi ko. “Feeling ko nagdududa na rin siya ngayon kung bakit hindi natin siya mahatid-hatid sa bahay nila.”

Napahilamos si Grover sa kaniyang mukha. “I think we should ask Dad’s help. Kapag hindi pa natin minadali ‘to, Baka lumayo na naman ang loob ni AM sa atin in the end kapag nalaman niya kung anong nangyayari ngayon saka ilang araw nalang, Birthday na ni Daddy. Hindi mabubuo ‘yung plano natin kung wala 'yung dalawang matanda.”

I nodded. “Naiintindihan ko ang point mo pero hindi na natin kailangang abalahin si Daddy O si Mommy. Itatanong lang natin kung alam ni Mommy kung saan ‘yung Sta. Lucia at kapag Oo, Tayong dalawa na ang susundo sa kanila roon.”  Sabi ko.

“Yeah. Anyways,” He clasped his hands together. “Sinong partner mo sa party ni Dad?” Pag-iiba niya ng usapan.

“Si Nathalie nga sana kaso hindi ko pa natatanong sa kaniya kung papayag siya.” I said. “How about you? Sinong partner mo?”

“I want Madison kaso kagaya mo, Hindi ko pa siya natatanong kung gusto niya.”

*Tok*Tok*Tok*

Fuck! Bakit ba usung-uso ‘yang three knocks na ‘yan? Matapang ako pero ibang usapan na ‘yang mga gagong multong ‘yan. Malalaglag ang puso ko. Wala pa namang siguradong pupulot.

“Come in.” Grover said.

Pumasok naman si Miracle na hindi maipinta ang mukha.

“Bakit ganiyan ‘yang mukha mo?” Tanong kong pigil na pigil ang tawa.

“Bakit kayo lang ang nag-uusap?” Nakabusangot na tanong ni AM habang naglalakad palapit sa amin ni Grover. “Bawal ba ako sa usapang ‘yan?”

Sabay kaming humalakhak ni Grover. I can still see the old April Miracle in her. The Princess of Pout.

“Hindi ka kaya namin mahagilap.” Sabi kong siyempre may bahid kasinungalingan

Sadya namang ayaw naming isama siya sa usapan namin ni Grover kanina lalo na’t tungkol kay Lolo Gaudencio at Lola Maurita ang pinag-uusapan namin kanina.

“Saan ka ba nanggaling?” Tanong ni Grover. Wala ka sa kuwarto mo kanina.” He added.

“Ah, e ..” Napakamot siya sa kaniyang ulo saka naupo sa kama ni Grover at saka naglalambing na isinandal ang kaniyang ulo sa balikat nito. “Nagutom ako kaya pumunta ako sa kusina. Inubos ko na ‘yung Chocolate cake — ”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now