CHAPTER 79 - Letting Go

2K 106 14
                                    

SIGRID’S POV :

Ma’am AM, ikaw pala. Halika, pasok.” Nakangiting salubong ni Manang Lita sa ‘kin habang niluluwagan ang pagkakabukas ng gate.

“Thank you.” sabi ko sa kaniya pero nakatuon ang mga mata ko sa front door ng Guttierez’ mansion. “Nandiyan po ba ang mga bata, Manang?”

“Ay, wala po. Sumama sila kay Ma’am Vera sa palawan. Magbabakasyon daw sila ng isang linggo roon, Ma’am.”

“What? Bakit hindi man lang ipinaalam ni Ken sa ‘kin.” nagtatampo kong sabi. “Miss na miss ko pa man din sila.”

“E, bakit naman po kasi hindi ka na madalas pumupunta rito, Ma’am?” Tanong nito pero tahimik lang ako. Halika po muna sa loob.”

She began walking with me tailing behind her. Sunud-sunod pa ang pagbuntong-hininga ko nang sandaling makapasok na kami ng kabahayan.

“Si Tito Conrad, Manang, nandito ba?” I asked while roaming my eyes around the house. Hindi ako sure kung si Tito Conrad ba talaga ang hinahanap ng mga mata ko.

Ay nako, maaga rin siyang umalis, ma’am, dahil may plano siyang sumunod sa palawan.”

Napatango ako. Wala pala akong madadatnan isa man — ”

“Lita? Lita!”

Nabitin sa ere ang sasabihin ko sana dahil sa boses na ‘yon ni Kenshi na tinatawag ang katulong nila pero teka, bakit bigla naman akong pinanayuan ng balahibo?

Nandito po ako, Sir!” Tugon ni Manang Lita sa bahagyang mataas na boses para marinig siya ng shokoy niyang amo.

Naiinis ako sa lalaking ‘yon. Ilang araw na akong hindi pinapansin tapos si Saiyan naging busy naman sa training niya sa kompanya ng pamilya niya. Nakakaasar.

Naayos mo na ba ‘yung dadalhin kong pagkain para kay Daddy?” Dinig kong tanong ni Kenshi kasunod ng mga yabag sa hagdanan.

Opo, Sir.” Tugon ni Manang Lita 'tsaka ako tinapik sa braso. Sandali lang, ma’am, ha? Paalis na si Sir Kenshi, e.”

Sige lang, manang.”

‘saktong nawala sa paningin ko si Manang Lita ang siya namang paglitaw ni Kenshi sa huling baitang ng hagdanan nila at kasalukuyang inaayos ang suot niyang Polo shirt.

“Hi.” Bati ko sa kaniya pero nalaglag ang panga ko nang para lang akong invisible sa paningin niya at basta nalang niyang nilampasan. “Anong problema mo? Bakit hindi ka namamansin?”

“Lita, ‘asan na?!” Tawag na naman niya sa katulong nila.

“Ah, wala ka talagang balak pansinin ako?!” iritadong tanong ko sa kaniya at hindi ko na rin napigilan ang sarili ko kaya napagtaasan ko na siya ng boses.

“Ano bang kailangan mo, AM?” seryoso at malamig din niyang tanong.

Anong problema ng lalaking ‘to?

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt