CHAPTER 40 - Mission

2.9K 150 11
                                    

SAIYAN'S POV :

MAGKASAMA kaming nag-aalmusal ni Vegetta sa hapag-kainan dahil as usual, Maaga na namang umalis si Mommy. Maya-maya lang din ay maghihiwalay din kami ng kapatid ko dahil papasok naman kami sa mga school namin. Ako sa Heuron, At siya, sa Mega High na kakumpitensya ng school ko but we don't give a damn. Magkapatid kami hindi magkakumpitensya.

Maya-maya ay napansin kong patungo sa amin ang maid naming si Felisha. "Sir, nandiyan po ang Lolo Benedicto ninyo." aniya nang makalapit siya sa amin.

"Ano na naman bang problema ni Lolo .." paanas kong wika.

Nawalan na rin ako ng ganang kumain kaya ibinaba ko na ang mga kutsara't tinidor na hawak ko sa aking plato.

"Umalis ka na, Kuya. Dumaan ka nalang sa likod para hindi kayo magtagpo ni Lolo." Suhestiyon ni Vegetta pero umiling ako.

"No, Vege. Hindi ako kikilos na parang magnanakaw dahil lang kay Lolo. I'm staying. Haharapin ko siya." Matigas ang tonong sabi ko. "Kakausapin ko siya."

"I'm afraid that this conversation of yours with Lolo again will just end up in an argument again, Bro." May pag-aalalang wika ni Vegetta.

"Pumasok ka na sa school para di mo kami makitang mag-debate na naman."

"No. Mamaya magpatayan pa kayo."

Napangisi nalang ako at hinintay nalang na makapasok ng bahay ang Lolo Benedicto namin. Napapagod na rin akong makipag-argumento sa kaniya pero hindi siya natigil sa pananabon sa akin, e.

“Vege.” Napabuntong hininga nalang ako nang marinig ko na ang boses ni Lolo na tinawag pa si Vegetta na agad namang tumayo at lumapit sa kaniya upang magmano. “Sai.”

Tumayo ako at lumapit din sa kaniya saka nagmano. “Good morning, ‘lo.” i greeted him.

“Good morning. Where's your parents?” Tanong niya sa amin ni Vegetta.

“Maaga pong umalis si Mommy at ngayon palang din po ang dating ni Daddy.” Tugon ni Vege.

“Papasok na ba kayong magkapatid?”

I nodded. “Yes, Grandpa.”

“Okay. How about you? Napag-isipan mo na ba ang mga sinabi ko sa ‘yo?”

I nodded. “Lolo, alam niyo naman na iisa lang ang magiging desisyon ko. Simula’t sapol alam niyo na pong potograpya ang hilig ko at hindi ang pagpapatakbo ng negosyo—

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin