CHAPTER 77 - Triumph

1.8K 108 20
                                    

KENSHI’S POV :

MABILIS na para bang hangin lang na dumaan ang araw at mga linggo, mga school events na dinadaluhan lagi naming magkakaibigan pero ang event na ito ang para sa akin ay pinaka-espesyal dahil nakamit ko ang tagumpay.

Kakatapos lang ng graduation namin at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaang ako ang valedictorian. Sa pagiging gago ko sa mga nakalipas na taon na naging dahilan kung bakit hindi ako matapos-tapos ng highschool, ngayon ay sulit na sulit naman dahil nagtapos na ako, with flying colours pa.

“Congratulations, Son.” Pagbati ni Daddy sa ‘kin 'tsaka ako inakbayan. “You did a great job this time. Thank you for making me and your mom proud.”

Anak,” maluha-luha naman si Mommy habang nakatitig sa ‘kin, “I am so, so proud of you. Hindi mo lang alam kung gaano mo kami pinasaya ng Daddy mo ngayon kasi akala namin, hindi ka na magseseryoso sa pag-aaral mo. Thank you, anak.” At tuluyan na ngang bumagsak ang kaniyang mga luha na agad namang pinunasan ni Daddy. “Finally, natapos mo rin ang highschool at hindi lang basta nagtapos dahil ikaw ang Valedictorian, Kenshi.”

“Are you really happy, Mom?” Kunot-nuong tanong ko.

“Yes, of course. Maligayang-maligaya, anak.”

Maligaya pero umiiyak ka naman.”

Hinampas niya ako ng marahan sa braso saka humagikhik. “Happy tears ang tawag sa luhang ito. Halina nga kayo, umuwi na tayo dahil magse-celebrate pa tayo.”

“Sana hindi ka nag-imbita ng buong baryo, Honey.” Biro ni Dad kay Mom na ikinasama ng mukha niya.

Tumahimik ka. Mag-iimbita ako ng marami dahil gusto kong may karamay tayo sa ligayang nadarama natin ngayon, Conrad.”

Napailing nalang ako bago inakbayan ang mga magulang ko. “Thank you, Mom, Dad,” Panimula ko. “I wouldn’t be in this position right now if it’s not because of you. You made me the better version of myself. Higit sa lahat, salamat sa pagkupkop, pagmamahal, pagkalinga, at, pagpapa-aral sa ‘kin. Oh, fuck!” Inilayo ko ang sarili ko sa kanilang dalawa saka ko pinisil ang ilong ko kasi pakiramdam ko, maluluha na rin ako. Sige na po, mauna na kayo sa kotse dahil ayaw ko ng maging emosyonal. Nawawala ang pagiging tigasin ko, e.” Pagbibiro ko.

Tinawanan nila ako. Si Daddy humawak sa balikat ko. Sumunod ka kaagad para makauwi na tayo. Kanina pa naghihintay ang mga bata sa ‘yo dahil may ibibigay daw sila sa yo.” ani Daddy.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now