CHAPTER 23 - Nanny No More

3.1K 179 21
                                    

SIGRID’S POV :

Katabi ko si Kenshi pero hindi ko siya maramdaman. Hindi kasi siya katulad sa mga nagdaang araw na palagi akong inaasar O kaya sinusungitan. Hays! Ano naman kasing sumapi sa kaniyang demonyo ngayong araw nang masapak ko. Nakakainis siya. Pati ako nadadamay sa saltik ng lalaking ‘to.

Itong si Saiyan naman, kanina pa walang imik. Parang ang awkward tuloy lalo na ‘pag naiisip ko ‘yung confession niya nu'ng Saturday. Hindi ko alam kung paano magsisimula ng usapan sa kaniya. Nakakailang talaga.

Umayos nalang ako ng upo dahil biglang pumasok ang Adviser naming si Ma'am Prima at may dala pang malapad na kahoy. Pamalo ‘yun malamang.

“Listen, Class.” aniya na pinalo pa ang table para kunin ang atensyon ng mga nagtitsismisan pa ring kaklase ko. “Magmula bukas ay magbubukas na ang mga Clubs ng school natin kaya nandito ako para alamin kung sino ang mga gustong sumali at kung aling club nila gustong sumali.” She announced. “May mga gusto bang sumali sa inyo dito?”

“Ma'am, sa sports ako.” Hiro said.

“Okay. Nasa bulletin board natin ang tungkol dito kaya para sa karagdagang impormasyon ukol dito, basahin niyo nalang yun. Maliwanag?”

“Yes, Ma'am.” Tugon ng buong klase kay Ma'am Prima.

“Good. Pumunta kayo sa President ng mismong Club na inyong sasalihan para kausapin tungkol sa kagustuhan ninyong makasali sa kanilang Club.”

“Yes, Ma'am.”

“Okay. Aalis na ako. Huwag kayong maingay at hintayin nalang ninyo ang Teacher ninyo sa first subject ninyo this morning, okay?” Nagtanguan ang iba kong mga kaklase including my friends. Bye, Class.”

“Bye, Ma'am Prima!”

Dumating ang First period teacher namin and as usual, Discuss. Discuss. Discuss. Pareho ring walang imik ang dalawa kong katabi maging ang kanilang mga kaibigan sa likuran ko.

LUNCH TIME na kaya magkakasama na naman kami ng mga kaibigan ko sa Cafeteria at kumakain. Nasa kabilang lamesa naman ang grupo ni Kenshi kaya hindi pa rin ako makatiyempo ng pagkakataon para kausapin siya tungkol sa pagiging Yaya ko kuno sa kaniya.

“Sig, may napili ka na bang Club na sasalihan mo?” Biglaang tanong ni Freya sa ‘kin kaya natigil ako pansamantala sa pagsubo ng pagkain.

Wala pa.” Tugon ko. “Hindi naman ako interesado sa pagsali sa mga Clubs na yan.” I added.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now