CHAPTER 20 - Jealousy

3.4K 258 10
                                    

SAIYAN’S POV :

“Okay ka lang ba?” Pabulong na tanong ko kay Sigrid para hindi ako marinig ng Teacher namin na kasalukuyang nagdidiscuss sa harapan.

Uhm,” She nodded. “Okay lang ako.” Tugon niyang sa harapan nakatingin.

“Hindi na ba masakit ‘yang pisngi mo?”

Masakit pa rin naman pero ayos lang. Hindi naman na gaano e.”

Gago talaga ‘yung Alamid na ‘yun. Kung hindi lang dumating ang mga Teachers at Guards, malamang nalumpo na namin siya sampu ng kaniyang mga kasama. May oras pa ‘yung gunggong na ‘yun.

Here.” Nilapag ko sa harapan niya ang isang ointment na kinuha ko sa bag ko na binili ko pa kaninang umaga sa Drugstore kaso nakalimutan kong ibigay kaagad sa kaniya. Ipahid mo ‘yan sa pasa mo sa pisngi para hindi ka lalong pumangit.” Pagbibiro ko pero mukhang sineryoso niya dahil pinukol niya ako ng nakakamatay na tingin. Nagbibiro lang

“Mr. Almonte, Anong problema ninyo ni Miss Garcia diyan sa Likod?”

“Nothing, Ma'am.” Kalmadong tugon ko saka umayos ng upo.

Okay.” Muling humarap si Ma'am sa buong klase. Balik tayo sa sinasabi ko,” Wika ni Ma'am saka inisa-isa kaming tiningnan ng mga kaklase ko. Gagawa kayo ng research paper pero,” Ngumiti siya. Gagawin ninyo ito by group.”

“Ayaw namin, Ma'am.” angil ng isa naming kaklase. Dapat po individual nalang kasi kapag by group, hindi na naman makikipag-cooperate ‘yung iba.” aniya.

“Great! Ikaw na ang magaling.” Pambabara ni Loyd, halatang tinamaan ang gago.

“Quiet, Class!” Pagpapatahimik ni Ma'am sa kanila. “This will be done by a group and that's final.” maawtoridad niyang sabi.

Ilan po ang miyembro ng bawat grupo, Ma'am?” Tanong ni Freya.

“Thirty kayong lahat dito, that means, each group will consists of five members to be total of six groups.” Sabi ni Ma'am. “Since nasa akin na ang lahat ng mga pangalan ninyo, ako na rin ang mamimili ng mga members at Leader ng bawat grupo.”

Wala naman akong pakialam diyan.

Lahat ng tatawagin ko ay pumunta dito sa harapan, okay?”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon