CHAPTER 22 - Mad Shokoy

3.2K 190 9
                                    

KENSHI'S POV :

"Manang, where's Mom and Dad?" Tanong ko kay Manang Coney na abala sa paghahain ng almusal ko.

"Nasa kuwarto pa siguro, Sir. Hindi ko pa kasi sila nakitang lumabas." Tugon ni Manang.

"I see. O, sige. Ako nalang po ang tatawag sa kanila para sabay-sabay na kaming mag-almusal na tatlo." i said.

Nasa ikatlong baitang palang ako ng hagdanan nang biglang bumaba si Daddy at halatang nagmamadali pa.

"Good mor— "

"Come back here, Conrad!" sigaw bigla ni Mommy na pababa na rin ng hagdanan at nakaturo pa ang daliri kay Daddy.

"Mom, what's — "

"Pumasok ka na, Kenshi." Putol niya sa 'kin.

"Yeah, mag-aalmusal lang ako then papasok na ako ng school. Actually, tatawagin ko sana kayo ni Daddy para sabay-sabay na tayong mag-almusal na tatlo." Sabi ko.

"Himala, Kenshi." puno ng sarkasmong sabi ni Daddy. "Pero mag-almusal ka na do'n, huwag ka ng maghintay ng kasama mo."

Napailing nalang ako. "Dad, ano ba kasing nangyayari?"

"Aalis na ako." wika ni Daddy saka humakbang paalis.

"I said come back here!" sigaw na naman ni Mommy kay Daddy pero hindi siya nito pinansin. "Conrad!"

"Mom." I hugged my mom to comfort her. Namamalibis na kasi ang luha nito. "Anong nangyayari?" Tanong ko. "Bakit mo ba hinahabol si Dad?"

"Hayop ang ama mo, Kenshi. Hayop siya. H-hayop!" Her voice cracked as she shed tears.

"Mom, ano na naman ba 'to? Ha? ano na naman bang problema ninyo ni Daddy?" i asked in confusion.

Hindi naman nawawala sa mga magulang ko ang away at tampuhan pero mukhang malala yata ngayon ang away nila.

"Narinig ko siyang may kausap sa phone niyang ibang babae at," she wiped her tears as she took a deep breath. "nakikipaglambutsingan siya sa babae." bigla siyang humagulgol habang mahigpit na nakakapit sa laylayan ng Polo ko. "Pinagtataksilan ako ng Daddy mo, Kenshi. T-taksil ang ama mo."

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon