CHAPTER 73 - Family Bonding

1.9K 117 19
                                    

KENSHI’S POV :

KINABUKASAN ay maaga akong gumising para ipaghanda ng breakfast 'yung tatlo — AM, Mica, and Raff.

Nakakatuwa lang dahil for the first time ay magagamit ko na ang husay ko sa pagluluto— slight lang pala, but thanks to my mom who teaches me how to cook kahit mga simpleng pagkain lang.

“Morning, Tatay ..”

Napatingin ako sa likuran ko habang hinuhubad ang suot kong apron.

“Hey.” nilapitan ko si Raff na kinukusot pa ang mga mata tanda na kakagising lang niya. “Good morning. Bakit ang aga mong gumising?”

“Nagising po ako sa hilik ni Nanay, e.” He said, yawning.

Marahan naman akong natawa. “Talaga? Humihilik si Nanay?”

He nodded. “Mmm, opo.”

Muli akong natawa. Ngayon ko lang nalamang humihilik din pala si Manang. Grabe, pati sa pagtulog maingay pa rin siya.

“Hayaan mo na. Nagugutom ka na ba?”

“Hindi pa po, Tatay.”

Umiling ako, “Hungry or not, you should still eat breakfast, okay?”

“Hindi naman po kita naiintindihan, e.” reklamo niya na ikinangiti ko.

“Ang sabi ko, kumain ka pa rin kahit hindi ka nagugutom para,” Binuhat ko siya at pinaupo sa bangkito.  “—para may energy ka mamaya kasi lalangoy tayo do’n sa dagat.” I added.

“E, hindi naman po ako marunong lumangoy, Tatay.”

Napapailing ako habang ginugulo ang buhok niya. “No problem, Buddy. Tuturuan kita.”

Ngumiti siyang bigla. Sa mga araw na binibisita ko silang magkapatid sa apartment na kinatitirhan nila ngayon, napansin kong hindi palangiti si Rafael.

“Talaga po?”

I nodded. “Oo naman.”

“Sana kayo nalang po talaga ang totoong Tatay namin ni Ate Mica.” aniya sa malungkot na tinig. “Masama po kasi ang mga magulang namin. Iniwan kami.”

“Raff, alam kong masakit ‘yung ginawa ng mga magulang niyo sa inyong magkapatid but I assure you,  pagdating ng panahon, pasasalamatan niyo pa rin sila pero pansamantala, huwag muna sila ang isipin mo, okay? Nandito kami ni AM at kami na ang mga magulang niyo. Ayos ba ‘yun?”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now