CHAPTER 82 - Alone Together

2.3K 110 14
                                    

GROVER'S POV :

"Where the hell is she, Hop?!" Pahiyaw kong tanong sa magaling kong kakambal. "Alam mong malalagot tayo kay Daddy at Mommy kung hindi natin mahanap - "

"Gago ka. Bakit ba sa 'kin mo hinahanap?"

Napasabunot ako sa sarili kong buhok saka namewang at nagpalakad-lakad sa harap ni Hopper. "Ikaw ang nagbantay sa kaniya kaninang umaga 'di ba? Kaya natural sa 'yo hahanapin."

"Hindi ko nga alam kung nasaan - "

"Saan nga natin siya hahanapin?!" pikong hiyaw ko sa kaniya.

"Ano na naman iyan, Grover?" Boses ni Lola Maurita kaya nilingon ko siya. "Bakit ba kayo nagsisigawang magkapatid ha?"

I shook my head and smiled, "Wala po, Lola. Pasensiya na."

"'Ku mga bata kayo. Teka, nasaan ba ang kapatid ninyo? Kanina ko pa siya hindi makita."

Nagkatinginan kami ni Hopper.

"Lola, ano .." bumuntong-hininga si Hopper. "Nagkukulong sa silid niya. Dinalhan ko na nga lang siya ng pagkain kanina, e." pagsisinungaling niya sabay sulyap sa 'kin.

"Galing ako sa kuwarto niya kani-kanina lamang at wala siya roon." wika ni Lola at saka niya kami pinasadahang dalawa ni Hopper ng nagdududang tingin. "Magsabi nga kayong dalawa sa akin ng totoo," aniya, "nasaan si Sigrid?"

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mabura-bura sa bibig ni Lola Maurita ang pagtawag kay AM ng Sigrid.

"Ano," tinaasan niya kaming magkapatid ng kilay. "magtititigan na lamang ba tayo rito, mga apo? hindi niyo ba talaga sasabihin sa 'kin ang totoo?"

"E, Lola," I sighed deeply, "Hindi rin po kasi namin siya mahanap, e. We can't even call her dahil 'di naman niya dala ang kaniyang cellphone." may pag-aalalang sabi ko. "Ewan ko ba naman kasi rito kay Hopper. Sinabi na ngang bantayan - "

"Bakit ako ang sinisisi mo? Ipapaalala ko lang sa 'yo, kami ang mas close kaya mas nag-aalala ako sa kaniya ngayon."

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ