CHAPTER 69 - Trial

1.8K 108 3
                                    

SIGRID'S POV :

"Lola, paano mo po nalamang si Lolo Gaudencio na ang true love mo?" Wala sa sariling tanong ko. Wala, e. Curious kasi ako saka wala akong magawa kaya bored ako.

"Hmm," Inilapag ni Lola Maurita sa kama ang natupi na niyang damit. "E, bakit naman bigla'y natanong mo 'yan, apo?"

Nagkibit ako ng balikat, "Curious lang po ako, 'La."

"Gusto mo rin bang malaman kung si Saiyan na ang iyong tunay na pag-ibig ha, Sigrid?"

Napakamot ako sa ulo. Bakit naman napunta na agad sa love life ko 'yung tanong ko, e, sa curious lang naman talaga ako.

"Lola, naman. Hindi ko na po kailangang alamin 'yon kasi alam ko sa sarili kong si Saiyan na po talaga hanggang dulo." nangingiting sabi ko.

"Alam mo, apo," Tumitig ng diretso si Lola sa 'kin. "Masasabi mo lang namang tunay na pag-ibig iyan kung nakasama mo na siya sa hirap at ginhawa. Kapag magkasama kayo sa pagharap sa mga pagsubok. Kapag nanatili siya sa tabi mo gaano pa kahirap ang sitwasyon. Kapag ipinaglaban niyo ang isa't-isa. Iyon ang tunay na pag-ibig, Sigrid."

Gano'n pala 'yun?

I smiled, "Now I know. Huwag kang mag-alala, Lola. Si Saiyan naman talaga ang kasama kong humaharap sa mga problema ko kahit pa noong una ko siyang makilala sa school. Siya rin ang Knight in shining armour ko." Aaacckk! Sarap talaga ma-in love. hehe. "My Super Saiyan!" Kinikilig ko pang tili.

"Ay diyaskeng bata ire. Huwag kang maingay at baka mabulabog na naman ang mga kapatid mo't akalaing may nangyayari na namang masama sa iyo." pananaway ng Lola sa 'kin.

"It's your fault, Lola - "

"Ay magtigil kang bata ka at 'wag mo akong ma-ingles-ingles." nangingiting aniya. "Pero napapansin kong nagiging balisa ka at minsan nama'y tila napakalalim ng iniisip mo, apo. Bakit ba? May problema ka ba?" pang-uusisa niya na ikinatigil ko.

Napipilan ako. Hindi na kasi ako katulad dati na bawat kibot ay nagsasabi ako sa kanila ni Lolo Gaudencio ng mga problema ko kahit gaano pa iyon kaliit. Unlike now na hirap na akong magsabi dahil ayaw kong pati sila ay magka-problema.

"Lola, minsan kasi nagde-daydream ako kaya gano'n." Palusot ko. Ayaw ko namang sabihin sa kaniya ang tungkol sa Lolo ni Saiyan at kung anong mga pinaggagagawa niya mapaghiwalay lang kami ng apo niya. "Kayo naman problema kaagad ang nasa isip. Normal lang po kaya ang mag-daydream kapag in love." Nakangiting dagdag ko para hindi niya mahalatang nagsisinungaling lang ako.

"Alam mo, Apo," Lumipat sa tabi ko si Lola at hinawakan ang dalawa kong kamay at marahang minasahe. "Ikaw man si Sigrid o si April Miracle, mananatili pa ring ikaw ang aking apo. Ang apong pinalaki at inaruga namin ni Gaudencio. Sa akin ka lumaki at nagkaisip kaya hindi mo ako mapagsisinungalingan. Bawat kibot mo ay alam ko. Kilala ko."

"Lola, wala naman po kasi talagang problema, e."

"Apo, uulitin ko," masuyong hinaplos ni Lola ang pisngi ko na karaniwan niyang ginagawa tuwing nararamdaman niyang hindi ako okay. "Hindi mo ako mapagsisinungalingan pero hindi rin kita pipiliting magsalita ngayon. Rerespetuhin ko ang pananahimik mo pero gusto ko ring malaman mo na kahit nadagdagan na ang tao sa buhay mo, nandito pa rin kami ng Lolo Gaudencio mo na maaari mong sandalan kapag iyong kailangan." masuyo at mapang-unawang dagdag niya.

"Sabi ko naman sa inyo, Lola, kayo ni Lolo bukod sa pamilya ko ang lakas at kahinaan ko." I said, smiling. "Kasama ko naman kayo kaya kahit ano pang problema ang dumating sa 'kin, Alam ko pong kakayanin ko, Lola. Binibigyan niyo kaya ako ng positive energy."

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now