CHAPTER 34 - Acquaintance Party

2.9K 182 11
                                    

SAIYAN’S POV :

Wew!

Muli kong sinipat ang sarili ko sa salamin habang sumisipol. Acquaintance Party na namin. Actually every school year naman itong nangyayari but hell, Mas excited ako ngayon ng dahil kay Sigrid.

“Are you that excited, Baby?”

Hayst!

“Mom, please. I'm not a toddler anymore so please, I'm begging you, Stop calling me Baby. Nakakasira ng image.” Reklamo ko.

“Fine. Pero kahit anong mangyari, Baby pa rin kita. Kayo ni Vegetta.”

I laughed. “Mommy, ang pangit pakinggan. You know why? Kasi ‘yung mga pangalan namin related sa mga powerful anime tapos tatawagin niyo kaming Baby? No freakin’ way, mom!”

“Ayos lang naman sa ‘kin.”  Sabad ni Vegetta na kakapasok lang ng silid ko. “As long as payagan ako ni Mommy na gumimik kasama ang mga barkada ko.”

“No freakin’ way, Vege!” Bulalas ni Mommy.

“Mommy Rochelle Maganda Almonte, Ipapaalala ko lang po sa inyo na hindi na rin ako bata.” Natatawang wika ni Vegetta.

Napailing nalang ako saka muling sinipat ang sarili ko sa salamin habang nagtatalo ang dalawa sa likuran ko.

“I gotta get going now, Mom.” Sabi ko saka pinulot ang cellphone at susi ng kotse ko sa kama ko. “I love you. Bye.”

“Take care!” sigaw ni Mommy sa likuran ko.

“Mag-uwi ka ng Hot chick!” Pahabol ng pilyo kong kapatid.

For sure, tatandang babaero ang mokong na ‘yun. Taliwas sa ‘kin na matino. Haha!

PAGDATING ko ng HIS ay saktong pumatak sa 6:30 ang oras at magdidilim na rin. May 30 minutes pang natitira bago magsimula ang party.

“Saiyan!”

Nilingon ko ang tumawag sa ‘kin. Si Nathalie.

“Hey.” Sinalubong ko siya. “Naks! Ganda natin ngayon, a.” Tukso ko sa kaniya.

“Ngayon lang ba?”

“Palagi pero mas umangat ang ganda mo ngayon kaya sigurado akong maglalaway na naman ang kaibigan ko nito.”

“Hehh!”

I chuckled. “Nasaan pala si Sigrid?”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن