CHAPTER 75 - Time Flies So Fast

1.8K 95 24
                                    

Two months later ..

SIGRID’S POV :

“Huy, Girl,” Tumabi sa ‘kin ang bakla kong kaibigan. Si Antonette. “Kanina ka pa namin hinahanap ni Madi. Ano bang ginagawa mo rito?”

“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ng mga taong nagpupunta ng library, Anthon?” pabalang kong sagot.

Tumawa na naman siya ng pagkalandi-landi. “You want to hear a honest answer? Sige. Minsan ang mga students nagpupunta rito para makipaglandian, halikan — ”

“Arrgh! Anthon!” I closed my eyes and groaned. “Bakit niyo ba kasi ako hinahanap?”

“Ahm, Girl,” Kinuha niya ang librong hawak ko at tumitig sa ‘kin ng diretso. “E, ‘di ba nga, alam naming dalawa ni Madi ang tungkol sa relasyon ni Saiyan sa higad na si Melody? Sinabi mo sa amin noon na sinasakyan lang ni Saiyan ang engagement nilang dalawa at ikaw pa rin ang love niya?”

“Antonette, naman. Huwag ka ngang pabitin. Ano na naman ba kasing chika mo?” inip kong tanong sa bahagyang mahinang tinig kasi pinagtitinginan na naman kami ng mga kasama namin sa library.

“Nakita namin ni Madi ang dalawang ‘yon na naghahalikan do’n sa may sports field.”

“And?”

“Anong and? Hindi ka man lang magre-react? Girl, naman!”

I laughed. Yes, tinawanan ko lang ang kaibigan ko. “Nahihibang ka na, Antonette. Siyempre makikipaghalikan si Saiyan sa babaeng ‘yon para hindi mahalata ni Melody na wala sa engagement nila ang focus ni Saiyan.” Depensa ko. “At para i-prove sa mga tao na may relasyon sila.”

“Girl, Hello?” He waved his hand near my face. wala kayang ibang tao sa field kanina maliban sa dalawang ‘yun at sa amin ni Madi na tatambay pa sana ro’n. Hindi na nga lang kami tumuloy dahil baka maistorbo namin ‘yung dalawang nagtutukaan.”

Nawalang bigla ang ngiti ko. Alam ko naman na nakikipaglaro lang si Saiyan sa Lolo niya at pati sa Melody na ‘yun kaya iniiwasan kong magselos pero every time na nakakarinig ako ng ganitong tsismis ay hindi ko maiwasang hindi makadama ng kaunting kirot sa dibdib.

“Alam mo ikaw,” Hinawakan ako ni Antonette sa magkabila kong balikat at bahagyang pinaharap sa kaniya. “Kaibigan kita, mahal kita. Nagmamalasakit ako sa ‘yong babae ka kahit ang manhid mo.” inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. “Pero, girl, sana naman huwag ng umabot sa point na pati ang sarili mo ay hindi mo na rin kilala. I don’t want you to lose yourself while loving him unconditionally.” He said in a soft, gentle voice.

“Thank you sa love at concern pero,” Tumitig ako sa mga mata niya at unti-unting ngumiti. Antonette, si Saiyan kasi ‘yun, e. Kilala mo siya. Kilala natin siya at bago pa tayo naging magkaibigan, alam kong nababalitaan mo na rito sa campus ang mga pagde-defend niya sa ‘kin against his friends.. against Kenshi kaya masasabi kong mahal niya ako at hindi niya ako lolokohin. Magtiwala nalang tayo sa kaniya, okay?”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now