CHAPTER 7 - Worried Bully

4.1K 253 16
                                    

GROVER’S POV :

“Nakita niyo na si Manang Signerd?” Tanong ni Kenshi sa amin ng madatnan niya kami nina Hopper, Harvy at Hiro na nakatambay sa Hallway.

“Hindi pa, Bro. Ang aga nga naming pumasok kasi naririndi kami sa panenermon ni Mommy.” Sagot ng kakambal kong si Hopper na kung hindi ba naman sinunog ‘yung piniprito niyang itlog kanina, hindi sana kami sasabunin pareho ni Mommy.

“Ano bang problema mo sa Nerd na ‘yun, Kenshi?” pag-uusisa ni Harvy. “May gusto ka ba sa kaniya?”

“Tarantado. Wala no! Bakit naman ako magkakagusto sa Nerd na ‘yun?” Kaagad na depensa ni Kenshi sa sarili niya na ikinatawa namin ni Hiro.

“Maybe you find her pretty or maybe unique kaya mo siya hinahanap.” natatawang sabi ko.

“Gago. Hinahanap ko siya dahil gusto kong malaman kung nakita na niya ‘yung bisikleta niyang sinira ko.”

“Gago. Bakit ba gustung gusto mong pinagtitripan ‘yung babaeng ‘yun? Kung hindi kita kilala, iisipin ko talagang may tama ka kay Sigrid.” wika ni Harvy na mas ikinainis ni Kenshi. “Isipin mo ah, pati bisikleta niyang nananahimik sa guard house, pinakialaman mo— ”

“So ikaw pala ang gagong sumira sa bisikleta ng kaibigan namin at basta nalang iniwan sa labas ng campus.” Napatingin kami sa nagsalita. Si Madison.  “Alam mo ikaw?” Dinuro pa niya si Kenshi na ikinangisi ko. Amazona talaga ang isang ‘to. “Dapat sa’yo inuuntog sa pader baka matauhan ka at tumino ka naman.”

“Bakit mo ba dinuduro si Ken— ”

“I am not talking to you, Harvy.”

Natawa ako. Wala talagang pinapalampas ang babaeng ‘to. Pero ang ganda nito e. Mestisa tapos may malalalim na dimples sa magkabila niyang pisngi.

“Tinitingin-tingin mo diyan?” Biglang tanong niya sa’kin dahilan para mag-iwas ako bigla ng tingin kasi pakiramdam ko namumula ako.

“Hoy babae, umalis ka nga dito. Putak ka ng putak ang pangit pangit ng boses mo.” Pagtataboy ni Hiro kay Madi na nanlait pa. “Alis!”

“Pakyu!” sigaw ni Madison kay Hiro na ikinahalakhak ni Kenshi, Hopper at Harvy. “Akala mo naman ang guguwapo niyo, Tss. Kasing pangit niyo ugali niyo lalo ka na.” Turo niya kay Kenshi sabay walk out. Napailing nalang ako sa katapangan ng babaeng ‘yun.

“Crush mo 'no?” Siniko ako ni Kenshi.

“Gago Hindi.”

“Tang 'na mo. Nag-blush ka nga kanina.” Harvy said.

“Aaayyy!!” napatingin kaming lahat nang biglang may tumili kasabay ng paghalakhak ni Hiro.

“What a clumsy girl!” Natatawang bulalas ni Hiro habang nakatingin sa nakadapang si Yumee. Ang kaklase naming kasabay naming lumipat sa Section A.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon