CHAPTER 51 - New Look

2.9K 170 8
                                    

SAIYAN'S POV :

Birthday ngayon ni Tito Melandro. Invited ako, Well, Hindi na naman bago iyon dahil taon-taon ay buong tropa ang invited. But according to Hopper, There will be a big surprise tonight and I was fucking intrigued.

"Mom, Aalis na po ako." Paalam ko kay Mommy na as usual, Kahit nasa bahay na, Abala pa rin sa harap ng kaniyang laptop.

"Dalhin mo 'yung birthday gift namin ng Daddy mo para kay Tito Melandro mo, Anak." She said without even glancing at me. "Binitbit na iyon ng kapatid mo palabas kaya malamang nasa garahe't hinihintay ka."

"Mom, Why not personally - "

"Son, I'm busy." Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at dagling humarap sa 'kin. "Maiintindihan naman siguro ako nina Melandro at Eleina tutal naroon ka naman."

I sighed in defeat. "Okay." Yumuko ako para humalik sa pisngi ng aking ina. "I have to go, Mom."

"You take care, Okay? Ayaw kong salubungin ka sa pinto mamaya na wasted, Saiyan. Huwag masiyadong - "

"Okay, Mom, Okay." Putol ko sa pananalita niya. "I really have to go, Mom. Don't work too much, I love you." Humakbang na ako paalis.

"Love you, too!" Pahabol ni Mommy sa 'kin.

Nadatnan ko naman sa garahe ang kapatid kong si Vegetta na prenteng nakasandal sa kotse ko. Maayos ang pormahan na parang may lalakarin ding importante.

"Finally you're here!" He exclaimed sarcastically. "I've waited for you for such a decade. Goodness!"

"Tch. Ano bang problema mo, Vege? Saan ang lakad mo?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Saan ba ang lakad mo?"

Hindi ko alam kung maiinis ako o ano. "Sa mga Vizconde. Birthday ng Tito Melandro at invited ako."

"E, 'di doon din ako pupunta." Nakangising aniya. "Buksan mo na 'yang kotse mo para mailagay ko na 'yang pinadala ni Mom na regalo niya for Tito Melandro."

"Use your car, Asshole."

"Nah. I'm too lazy to drive. Sige na, Kuya."

Again, I sighed in defeat. Binuksan ko ang pinto sa likod at inilagay roon ang regalo. Umikot na rin si Vegetta sa passengers seat. Napailing nalang ako at pumuwesto na rin sa Driver seat.

"How's my Ate?" He asked out of the blue.

Pinangunotan ako ng noo pero hindi ako nagtangkang lingunin si Vegetta. "Kailan ka pa nagkaroon ng Ate, Vege?"

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora