CHAPTER 42 - Mother 'n Son

2.8K 156 6
                                    

KENSHI'S POV :

"Son .." naramdaman ko ang bahagyang paglubog ng kama ko sa bandang gilid senyales na dito umupo si Mommy. "Please, talk to me, anak."

"Gusto ko ng magpahinga, Mom." Walang kabuhay-buhay kong sabi.

"I know something's bothering you. What is it, anak?" Tanong ni Mommy na bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses. "Alam mo namang kahit lagi kitang pinapagalitan, palagi pa ring nandito si Mommy para makinig sa 'yo 'di ba?"

"Mom, please.. Just leave me alone." I begged.

"Nakainom kang hinatid ni Hopper dito, nangako ka sa akin na hindi ka na iinom. Anong nangyari, Anak? Anong problema?"

Huminga ako ng malalim saka inalis ang talukbong kong kumot at umupo. Isinandal ko pa ang likod ko sa headboard ng kama ko dahil sa bahagyang pagkahilo dala ng nainom kong beer kanina.

"Si Daddy, umuwi na ba?" Tanong ko.

"Hindi pa. Akala ko nga makakapag-dinner tayong tatlo ng sabay pero as usual, may kaniya-kaniya na naman tayong business lalo na kayong mag-ama." Malungkot na saad ni Mommy.

Hindi talaga marunong magpakalalaki ang taong 'yun.

"Can i ask you something, Mom?"

She nods her head, eyeing me suspiciously. “Sure. What is it, Son?”

“May tinatago ka ba sa ‘kin?”

Rumehistro ang panandaliang gulat sa mukha ni Mommy Vera pero kaagad din niya iyong pinalitan ng ngiti. Isang pekeng ngiti.

“W-wala, anak. Bakit mo natanong?”

Nag-iwas ako ng tingin bago nagsalita, “Dahil alam ko na kung sino talaga ako sa buhay ninyo, Mom.”

“Pardon?”

“Ampon niyo lang ako ni Daddy Conrad.” Kaswal kong sabi na ikinasinghap niya. Sinalubong ko na rin ang titig ni Mommy sa ‘kin. “Am i right, Mom? Ni katiting wala akong dugong Guttierez. Tama ba ako?”

“P-papaa— ”

“Papaano ko nalaman?” I shook my head. “Hindi na importante kung paano ko nalaman dahil ang mahalaga ay alam ko na kung sino ako, at kung saan ko ilulugar ang sarili ko sa pamilyang ito, at siguro,” Walang buhay akong ngumiti. “Siguro tuturuan ko na rin ang sarili ko kung paano mamuhay ng walang karangyaang dala. At siguro, magmula ngayon, Hindi na kita dapat tawaging Mommy —”

“Anak, Tama na.” Sinunggaban ako ng mahigpit na yakap ni Mommy Vera. “Ano man ang nalaman mo, That would never change the fact that you are my Son. Anak kita, Kenshi. Anak kita.” Umiiyak na wika ni Mommy hanggang sa maramdaman kong basa na rin ang balikat ko dahil sa kaniyang mga luha. “Please, anak, don't make this hard for me ..for us. Please.”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now