CHAPTER 24 - Dancing Señorita

2.9K 176 5
                                    

SIGRID’S POV :

Geezz! Nakakainis naman, e. Bakit ba ako na-late ng gising.

“Good morning po.” Nakuha ko pang batiin ang guard kahit nagmamadali na ako sa pagpasok.

“Good morning. Ngayon lang kita nakitang pumasok ng ganitong oras, a.”

“Opo. Malapit ng mag-bell, Kuya. Late kasi ako ng gising. Sige po, pasok na ako.” Paalam ko rito na hindi na hinintay pa ang sagot niya dahil mabilis na akong tumakbo papasok ng Campus.

Marami ng mga estudyanteng pakalat-kalat pero nakakapagtakang lahat sila ay nakatutok sa mga cellphones nila at saka biglang hahagalpak ng tawa.

Guys, Dumating na ang Dancing Señorita!

Palakpakan naman!

Multi-talented ang Manang ng Heuron Woahh!!

Woah!

ILAN lamang sa mga sigawan nila habang nakatingin sila sa ‘kin. Ano bang nangyayari? Anong mayro'n? Kung tungkol ‘to sa nangyari sa amin ni Kenshi kahapon, wala naman akong ginawang masama para buyuhin na naman nila ako.

“Good morning, ner— este Dancing Señorita. Humarang pa sa daraanan ko ang isang lalake para batiin ako. Sapukin ko kaya ‘to?

“Good morning.” Bati ko sa kaniya ng walang kangiti-ngiti saka sinubukang umalis pero mabilis siyang humarang sa daraanan ko.

“Ano bang problema mo?!” Hindi ko na napigalang mapagtaasan siya ng boses dahil sa inis ko sa kaniya.

“Sandali lang naman—

“Malapit ng magsimula ang first period kaya puwede ba, umalis ka na diyan sa daraanan ko?”

“Woah!” Sigaw niya habang malakas na pumapalakpak. “Narinig niyo ‘yun, Guys? Ang tapang niya hindi ba?” Baling niya sa mga Schoolmates naming kanina pa tumatawa habang pinapanood kami ng lalaking ‘to. “Pero okay lang. Gusto pa rin kitang i-invite mamaya for lunch. Ayos lang ba, Dancing Señorita?”

“Tss.” I Tilted my head a bit. “Salamat pero hindi kita mapagbibigyan—

“Hey.” Biglang may umakbay sa ‘kin kaya napapitlag ako. Hina-harass ka ba ng unggoy na ‘to?” Tanong ni Grover na siyang nakaakbay sa ‘kin at nakaturo ang daliri sa lalaking kaharap namin.

Uso ba talaga sa kambal ang mang-akbay?

“Huwag mo nalang pansinin. Tara na, pumasok na tayo.” Nauna na akong maglakad pero kaagad din namang nakasunod sa akin si Grover na umakbay ulit sa ‘kin. “Alam mo? kung may pagkakapareha man kayo ng kakambal mong si Hopper? ‘yun na ‘yung ugali ninyong mahilig mang-akbay.” Hindi ko na napigilang i-voice out ang nasa isip ko kanina pa.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon