CHAPTER 59 - In Public

2.2K 136 23
                                    

SAIYAN’S POV :

LAHAT ng inis ko nabunton kay AM. Tangna! Gusto kong sumapak ng tao!

“Sai — ”

“Bakit hinayaan mong si Kenshi ang makasama ni AM sa pagpasok?” iritang tanong ko kay Hopper na nakasalubong ko sa hallway.

“What’s wrong with that?” Kunot-noo niyang tanong. Akala ko ba nagkabati na kayong dalawa ni Kenshi?”

“Ibang usapan kapag kasali ang kapatid mo, Hop! Damn! Makakapatay ako ng tao — ”

“What the heck is wrong with you?!” His frown deepened. “Magkaibigan ang kapatid ko at si Kenshi. Nagbati sila kahapon kaya anong masama kung magkasama silang dalawang pumasok?”

“Dahil .. Dahil —Oh fuck!”

“You're being unreasonable, Saiyan.”

Huminga ako ng malalim at pilit kinakalma ang sarili. He's right. Nagiging unreasonable na ako pero nagseselos ako, e.

“May problema ka ba, Bro?”

Umiling ako. “Wala, Hop. I’m sorry.”

Ikiniling niya ng bahagya ang kaniyang ulo na parang inaarok kung nagsasabi ako ng totoo.

“Nagtalo na naman ba kayo ng Lolo mo?”

Nagkibit ako ng balikat. “Hindi na bago ‘yon.” I said in a bored tone.

“And as usual, Hindi mo na naman sinang-ayunan ang gusto ni Lolo Ben.” Nakangising nagpailing-iling si Hopper.

“Ayaw ko sa gusto niya, Hop. Alam mo ‘yan.”

“Yeah. Saan ka ba pupunta?”

Nagkibit na naman ako ng balikat. “I don't know.”

Humalakhak siya saka ako inakbayan. “Pasok na tayo.”

Bumuntong hininga ako bago lumakad kasabay ni Hopper. Iniisip kung papaano ako ngayon hihingi ng paumanhin sa Girlfriend ko.

🌹🌹

SIGRID’S POV :

GUSTO kong mainis dahil sa hindi pagpansin ni Saiyan sa ‘kin pero alam ko naman kasing kasalanan ko kaya imbes na mainis ay kailangan kong gumawa ng paraan para kausapin na niya ako.

“Anong balak mong gawin diyan sa pagkain mo, AM?” Taas-kilay na tanong ni Alanis sa ‘kin.

“Oo nga. Kanina mo pa ‘yan tinutusok-tusok.” Si Sabrina na nagsasalubong din ang kilay. “May balak ka bang gawing giniling ‘yang kanin at ulam mo, Friend?”

Bumuntong hininga ako at nagyuko ng ulo. Paano ba ako hihingi ng tulong sa kanila e hindi naman nila alam ang status namin ni Saiyan ngayon. Argh! Mababaliw na ako!

“Anong problema, AM?” Si Nathalie na hinawakan ang kamay ko. Concern is in her eyes. “You know you can always share your problems with us, friend.”

“Yeah, that’s right.” Dagdag ni Madison. “Ano bang problema?”

“Nothing, Madi. Really. Ayos lang ako. Wala lang talaga akong ganang kumain.” pagsisinungaling ko.

“Masama ba ang pakiramdam mo?” Si Yumee na kanina pa nakatitig sa ‘kin. “Dadalhin ka namin sa clinic — ”

“No need, Yumee. Ayos lang talaga ako. Kumain nalang kayo at ‘wag niyo akong intindihin.” tugon kong sinisikap ngumiti ng tunay.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Onde as histórias ganham vida. Descobre agora