CHAPTER 68 - Fight Together

1.9K 127 2
                                    

SIGRID'S POV :

MONDAY morning. I was too lazy to get up from my bed but thank god, I still managed to dragged myself to the bathroom. Nakakatamad talagang kumilos lalo na 'pag malamig ang panahon. Ang sarap matulog.

"Miracle?" pinatay ko ang shower nang may kumatok sa bathroom door. "Miracle, bilisan mo na riyan. Nakahain na ang breakfast mo."

Si Ate Minerva lang pala.

"Opo. Patapos na po ako." Tugon ko at siyempre, hindi nawawala ang pagiging magalang ko.

Yes, kahit ako na ngayon si April Miracle, hindi pa rin nawawala ang ugaling Sigrid sa akin. Ang mga kapatid ko parating kinukuwestiyon ang pagiging polite ko sa mga kasama namin sa bahay at lagi rin akong pinagsasabihan na bawasan ko 'yon dahil baka raw dumating ang araw na abusuhin nila ako but I can't do that.

I have to be more considerate with other people's feelings at ayaw ko rin namang sundin ang mga Kuya ko dahil ayaw kong masanay ako at magigising nalang ako one day na sobrang taas na ng tingin ko sa sarili ko and I don't want that to happen.

I'm already downstairs when I heard voices from my father's library. Parang may nagtatalo. Nagpalinga-linga ako sa paligid, walang mga tao so I decided to eavesdrop. Well, eavesdropping is bad but, argh! Forget about it. Gusto ko talagang malaman kung anong nangyayari sa loob ng library.

"-don't know what to do anymore, Son." Boses ni Daddy na parang sobrang lungkot at bigat. "Pababa ng pababa ang stocks natin kaya may mga investors tayong nagsisimula ng mag-pull out."

Natutop ko ang sarili kong bibig sa sinabi ni Dad. Ayaw kong isipin ang banta ni Sir Ben pero siya lang naman ang may motibo para sirain ang ..Oh, no!

"Bakit biglaan 'yan, Dad? Hindi ba't maayos naman ang takbo ng company dati? Anong nangyari?" Tanong ni Kuya Hopper.

"I honestly don't know, Son. Nalulungkot ako sa nangyayari pero susubukan kong gawan ito ng paraan para hindi umabot sa zero dahil 'pag iyon nangyari, mawawala sa atin ang company. We will suffer and face bankruptcy."

I can't take this anymore! Nanghihina akong naglakad papunta sa kusina. Kailangan kong magpanggap na wala akong alam at na wala akong narinig. Nagi-guilty ako sa nangyari dahil alam kong ako ang may kasalanan.

"Good morning, Sweetheart." Humalik si Mommy Eleina sa nuo ko. Pati paglapit niya sa 'kin ay hindi ko na naramdaman.

"Good morning po."

"How's your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong niya bago humugot ng dining chair at doon naupo.

"Opo."

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now