CHAPTER 5 - First Kiss

4.8K 295 24
                                    

SIGRID’S POV :

“Lola, aalis na po ako.” paalam ko kay Lola na nagwawalis sa labas ng bahay.

“Ang aga mo naman yata ngayon, Apo?” tanong nito na niyakap pa ako. “Sandali, hintayin mo ako dito at kukunin ko lang sa kuwarto ‘yung baon mo.”

Hinawakan ko siya sa kamay para pigilan siya sa pagpasok sa loob.

“Lola, ‘wag na po. May pera pa naman ako at saka kaya po ako maaga ngayon kasi magbibisikleta nalang po ako papasok ng HIS.” Nakangiting sabi ko.

“Ay nako, bata ka. Tigilan mo ako. Hindi ka puwedeng magbisikleta dahil baka madumihan ‘yang uniform mo.” umiiling na aniya.

Napangiti ako. Lumaki akong hindi ko nakilala ang mga magulang ko pero busog na busog naman ako sa pagmamahal ng Lolo Gaudencio at Lola Maurita ko.

“Lola,” Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Lola. “Alam kong kailangan na naman ninyong bumili ng gamot ninyo ni Lolo kaya itabi niyo nalang po 'yung pera kasi kaya ko naman pong pumunta sa school ng kaunting sentimo lang ang nasa bulsa ko. Scholar kaya ang apo ninyo.” Taas-noong sabi ko kay Lola.

“Magagalit na naman sa iyo ang Lolo mo kapag nalaman niyang hindi mo kinuha ‘yung perang iniwan niya para sa'yo, apo.”

“E di, sikreto nalang po natin para hindi magalit si Lolo.” sabi ko na may pilyang ngiti.

“Hay nako, bata ka. O siya, sige na apo. Lumarga ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo.”

Hinalikan ko si Lola sa kaniyang magkabilang pisngi. “Bye, Lola. mag-ingat ka po dito.” Paalam ko saka hinila ang bisikleta kong nakasandal sa punong mangga. “Aalis na po ako.”

“Mag-ingat ka, Sigrid.”

“Opo!” Sigaw ko kay Lola para marinig niya ako.

Nasa daan na ako palabas ng kalye namin at nilalasap na ang sariwang hangin sa umaga pero nainis ako nang pagdating ko sa highway ay may tatlong sports car na nagkakarera tuloy nasira na naman ‘yung sariwang hangin dahil sa usok at alikabok na dala nila.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz