CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy

2.2K 144 9
                                    

SIGRID'S POV :

I was yawning when my bedroom door suddenly opened.

"Kuya!" pahisteryang bulalas ko nang biglang pumasok ang kapatid kong sadyang walang alam sa pangangatok bago pumasok.

"Good morning to you, too. Tumawag si Tita Vera at hinahanap ka. She wants to talk to you so you better call her back ASAP." Wika ni Kuya Grover.

"Ngayon na?"

"Depends on you pero may palagay akong mahalaga ang pakay niya na gusto niyang ipakipag-usap sa 'yo, Miracle, kaya mabuti pang tawagan mo na siya ngayon."

"Pinahaba mo pa. Yes or No lang naman sana ang sagot." pananaray ko sa kapatid ko.

"Bilisan mo na tapos mag-report ka sa 'kin mamaya para sa deal natin."

"Deal? Anong deal?"

"What the fuck?! Don't tell me — "

"Labas na, Kuya. Binibiro ka lang naman, e."

He glared at me. "Nakakatuwa kang magbiro, ah." sarkastikong aniya bago muling naglakad palabas ng silid ko.

Muling nag sink in sa utak ko ang sinabi ni Kuya Grover na baka mahalaga ang gustong ipakipag-usap sa 'kin ng Mommy ni Kenshi kaya agad kong dinampot ang phone kong nasa night table at mabilis na hinanap sa contacts ko ang number ni Tita Vera at nag-dial.

After my fourth attempt, She answered the line.

"Miracle?"

"Yes, Tita. It's me. Ang sabi ng kapatid ko tumawag po kayo kanina?"

"Oh, yes, Honey. I'm sorry for bothering you this early in the morning, hija. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko sa anak ko. Kanina pa ako kumakatok sa kaniyang silid pero panay lang ang sigaw niyang iwan ko siya at gusto niyang mapag-isa."

"Give him some space and time to think, Tita. Iyon siguro ang gusto niya ngayon saka hindi naman suicidal si Kenshi 'di po ba?"

"Hija, puwede ka bang pumunta rito? I think he needs someone who can fully understand him, Miracle."

Napalabi ako at sandaling nag-isip bago sumagot, "Sure, Tita."

"Oh, Jesus! Maraming salamat, hija."

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon