CHAPTER 36 - Unexpected Kiss

3K 180 6
                                    

SIGRID’S POV :

Ganito ba talaga ‘pag makikipag-date? I mean, It is just a Friendly Date pero bakit daig ko pa ang isang Girlfriend kung kabahan. Geez! Kalma, Sigrid.

“Dalaga ka na talaga, apo.” Boses ni Lola sa likod ko. “Tingnan mo’t inaaya ka na rin nilang makipag-date — ”

“Friendly date po.” pagwawasto ko kay Lola. “Kailangan ko lang makabawi sa mga nabitawan kong salita kay Saiyan kaya ako pumayag, Lola.” I added.

Biglang tumawa si Lola. “Hindi naman kami hahadlang ng Lolo mo kung sakaling may gustong manligaw sa ‘yo, Apo. Alam mo namang may tiwala kami sa ‘yo pero sana, Hindi ka na lalayo sa katulad ni Saiyan.”

Napailing ako. “Dinaan ka na naman ba sa suhol ni Saiyan, Lola?”

Muli na namang tumawa si Lola. “Kahit hindi naman magdala si Saiyan ng kung anu-ano rito sa atin, Magugustuhan ko pa rin siya para sa ‘yo dahil nakikita kong mabait siyang anak.” wika ni Lola na inayos pa ang suot kong dress. “At magiging mabuti siyang kasintahan sa ‘yo kung sakali mang — ”

“Lola.” Putol ko sa pagdadaldal ni Lola. “Hindi ko naman po alam na advance kang mag-isip.” Napapailing kong wika. “At saka, Lola, Hindi po magiging kami ni Saiyan O kahit sinong mayaman. Hindi tayo nababagay sa circle nila, Lola, kaya hindi ako nangangarap ng kasintahang mayaman. Sakit lang ho ‘yun sa ulo.”

Bumuntong hininga si Lola bago unti-unting nagpatangu-tango bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. “Sige na. Nandiyan na si Saiyan sa labas, Apo, at uulitin ko ha? May tiwala ako sa ‘yo... sa inyo ni Saiyan.”

“Salamat po.”

“Teka, bakit hindi mo suot ang kuwintas mo?”

Patay..

“E, Lola, ano kasi ..” Yumuko ako ng kaunti dahil natatakot akong salubungin ang tingin ni Lola. “Naiwala ko po kasi, Lola. Hindi ko na rin po nahanap pa.” Sabi ko saka hinintay ang galit na boses ni Lola pero malumanay niyang boses ang aking narinig.

“Ganoon ba? Sige. Hayaan mo na.”

Nag-angat ako ng tingin. “Hindi ka nagagalit, Lola?”

“Kuwintas lang iyon, Apo. Hindi ko rin naman binili ‘yon kaya ‘wag mo ng isipin pa.” Wika ni Lola. “Halika na. Sasamahan na kita kay Saiyan sa labas.”

“Teka, Lola,” pigil ko kay Lola nang akmang lalabas na siya ng silid ko. “Ahm, ayos lang ba ‘tong suot ko?” Tanong ko. “Luma na po kasi ‘to pero ‘eto nalang din po kasi ang natitirang maayos na susuotin ko para sa Friendly date na ‘to.” Sabi ko.

“Maganda ka naman, apo.”

“Lola, naman. Sabi niyo bawal ang magsinungaling— ”

“E, sa maganda ka naman talaga, Sigrid. Hayaan mo’t kapag kumita kami ng malaki-laki ng Lolo mo, Ibibili ka namin ng bagong damit.”

“Lola, Ito na ho ang una at huli kong pakikipag-date kaya hindi niyo na ako kailangang ibili ng mga gano'n.” Sabi ko. “Tara na po sa labas, ‘la. Baka naiinip na si Saiyan.”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon