CHAPTER 54 - Stolen Kiss

2.7K 162 11
                                    

MADISON’S POV :

NASA bahay ako ngayon at late na ring nagising dahil sa party kagabi. Napainom din ako at napagod sa pagsasayaw dahil ayaw paawat ni Grover. Napakakulit.

Madi, nasa sala ang kaibigan mo. Si Nathalie.” Boses ni Yaya Maring sa labas ng kuwarto ko.

Ang aga naman ng babaeng ‘yan gumala.” Bulong ko sa sarili ko saka tumayo. “Maliligo lang ako, ‘ya.”

Hindi ko na narinig ang tugon ni Yaya dahil pumasok na ako sa banyo at nagtanggal ng damit saka tumapat sa shower.

Bigla na namang nag-flash ang nangyari kagabi. Ramdam na ramdam ko pa rin ‘yung nag-aalab na halik na pinagsaluhan naming dalawa ni Grover and i don't fucking know why.

Huminga ako ng malalim at saka pumikit habang umaagos ang malamig na tubig mula sa shower sa aking katawan. Lasing ako kaya ako bumigay sa halik na ‘yon. Sa susunod na mga araw, Wala nalang ‘yon sa akin at higit na wala lang ‘yon para kay Grover.

∽∽∽∽∽

PAGBABA ko ay nadatnan ko sa sala ang kaibigan ko. Imagine, mas higit kong nakasama si Alanis pero ‘di hamak na mas close kami ng babaeng ‘to.

“Napasugod ka, babae?” Tanong ko saka ibinagsak ang sarili ko sa Sofa at ipinatong ang mga paa sa center table na animo'y isang lalaki. “Hindi ka uminom kagabi kaya wala kang hangover ‘no?”

Umiling siya at ngumiti. “Alam mo namang kahit lady’s drink ay ayaw kong tikman.” Kunsabagay, Good girl nga pala talaga ang kaibigan kong ‘to. “Anyway, May gagawin ka ba ngayon?”

I shook my head lazily and said, “Wala.”

“Good. Samahan mo ako sa bahay ng mga Vizconde.”

Napamulagat ako sa sinabi niya. “The hell! Anong gagawin mo do’n?”

“Kasi po,” She took a deep breath and, “Hinalikan ako ni Hopper kagabi sa .. sa lips.”

Bumulanghit ako ng tawa sa narinig ko. Kitang kita ko ang bahagyang pamumula ni Nathalie na mas ikinatawa ko.

“Goodness, Nat. That was just a kiss — ”

“Madison.” She gave me a warning look. “Hindi lang simpleng bagay ‘yon, Madi. That was my first kiss for heaven's sake!” Pahisterya niyang sabi.

Gusto ko uling matawa pero naisip kong ninakaw din ng Grover na ‘yon ang first kiss ko! Wow! Ninakaw nga ba niya? Goodness! Nagpaubaya ka, Madi!

“A-Anong gagawin mo kay Hopper?” Tanong ko kay Nathalie habang kinu-compose ang sarili ko sa tamang wisyo.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now