CHAPTER 35 - Moves like Saiyan

2.9K 170 6
                                    

SAIYAN'S POV :

Ang makita ko ang taong mahal ko na kino-comfort ng ibang tao ang pinakamasakit na naramdaman ko sa tanang buhay ko.

Nakita ko kung paano umiyak si Sigrid sa harap ni Kenshi. Nakita ko kung paano siya gumanti ng yakap sa kaibigan ko. Naiintindihan ko pero sadyang masakit lang para sa akin ang mga nakita ko. Gusto ko siyang lapitan, yakapin at sabihin sa kaniyang magiging okay din ang lahat pero may iba ng gumawa ng mga bagay na 'yun kaya wala akong ibang ginawa kundi panoorin sila. Tanawin habang papalayo ng magkasama.

"Kuya?" Boses ni Vegetta sa likuran ko. "I'm sorry. Nakita ko kasing bukas 'tong pintuan kaya sumilip ako."

"Come in, Vege." I said, still not glancing at him.

"Maalikabok na 'tong darkroom mo, Kuya." puna ni Vegetta. "Bakit kasi hindi mo sila hayaang maglinis dito?"

Tinungga ko ang natitirang laman ng kopitang hawak ko. "Why are you still up?" Pag-iiba ko ng usapan.

"I can't sleep." aniya saka nilapitan ang mga larawang huling kuha ko. "Girl problem?" He asked.

I Shrugged. "Maybe."

"Look at this," Lumapit siya sa 'kin hawak ang isang larawang inalis niya mula sa pagkakasabit. "If i'm not mistaken, this is Ate Miracle. Am i right, Kuya?"

I look at him then shifted my gaze into the thing he's holding. "Siya nga." i uttered. "This is her picture that i stole in her room when i was still a kid." I chuckled. "Imagine, uhugin palang ako noon pero natuto na akong magnakaw ng dahil lang sa picture ni Miracle na 'to." napapailing kong sabi. "Unbelievable."

"Pero isa siya sa dahilan kung bakit nakahiligan mo ang photography." Napatingin muli ako sa kapatid ko dahil sa kaniyang sinabi. "Kasi pinangarap mong siya ang modelo sa mga larawang kukunan mo." He chuckled. "I was just 9 years old back then but i still can recall how you forced our Dad to make a Darkroom for you."

Napangiti ako na nauwi rin sa marahang pagtawa pero muli ring nagseryoso. "But sadly, she's no longer here." I mumbled.

"Oh, man! I can sense that you're still in a deep shit." Vegetta said.

"Good night, Vege." Pag-iwas ko saka nauna ng naglakad papunta sa pintuan. "After you."

Tumango si Vegetta saka mabilis na lumabas ng aking Darkroom. "Stop drinking alcohol or Mom will be mad at you again." Babala ng kapatid ko sa 'kin. "Good night, Kuya." aniya saka ako tuluyang tinalikuran.

I heaved a deep sigh before i strode towards my bedroom. I just want to sleep and rest. Gusto kong kalimutan pansamantala ang mga nangyari ngayong gabi para bukas, ayos na ako at mapuntahan ko kaagad si Sigrid.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now