CHAPTER 13 - You're Safe

3.6K 229 22
                                    

KENSHI’S POV :

Okay na ako. Wala si nerd sa lahat ng subjects namin kanina kaya malamang umuwi na dahil hindi ako pumayag na maging Yaya ko siya. Kung bakit ba naman naisipan ni Mommy na kumuha ng Yaya ko tapos si Manang Signerd pa. The fuck! Hindi ako bata. Baka mamaya paliguan pa ako.

“Hindi niyo ba nakita si Sigrid kaninang umaga?” Biglang tanong ni Saiyan.

Nasa Cantene kami at kakatapos lang naming kumain ng Lunch kaya mamaya ay tatambay na naman kami sa Sports field.

Ano namang pakialam namin sa kaniya?” Pabalang na sagot ni Harvy.

Maayos ang tanong ko kaya sumagot kayo ng maayos.” Inis na sabi ni Saiyan saka tumayo at iniwan kami.

“Ano bang problema ng Mokong na yun? Bakit niya hinahanap si Manang?” Tanong ni Hopper.

“Malay mo tinamaan na kay Manang.” Tugon ng kakambal niyang si Grover na sinundan pa ng nakakaloko niyang halakhak. “Tara, Tara. Sports field muna tayo.”

Sige. Nasa akin naman 'tong gitara ni Saiyan kaya ako muna ang kakanta.”

Naghagalpakan ang buong tropa sa sinabi ni Hiro. Kung si Saiyan boses palaka kapag kumakanta, ‘eto ang malala.. parang nakakain ng gagamba.

Huwag ka ngang magbiro, Hiro. Hindi naman nakakatuwa.” Pang-aasar ni Grover kay Hiro.

Gago! Tara na. Ang dami dami niyo pang sinasabi akala niyo napakaganda ng mga boses ninyo. Mga lintik kayo.” Inis na sabi ni Hiro pero tinawanan nalang namin.

Nagsitayuan na kami saka lumabas ng Cantene pero habang naglalakad ay hinarang kami ng mga kaibigan ni Sigrid kasama ang lalaking kasama ni Manang sa Garden nu'ng nakaraang araw.

Problema niyo?” Maangas na tanong ni Hiro.

“Manahimik ka, Hiro Hito. pambabara ni Yumee sa kaibigan ko.

“Manahimik ka din, Kuting.” Nakangising sabi ni Hiro. “Umalis nga kayo sa daraanan namin. Nagsama pa kayo ng “One of the girls” Ano bang gusto niyo?”

Gago ka ah!” Susugurin sana ni Anthon si Hiro dahil sa pagtawag niya dito ng One of the girls pero napigilan ni Alanis at Madison.

“Ano bang problema mo sa kasama namin, Hito?!” Galit na bulyaw ni Yumee kay Hiro. “Subukan mo pang magsalita ipapakain ko talaga ‘tong sapatos ko sa’yo.”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ