CHAPTER 18 - The Vizcondes

3.6K 201 24
                                    

GROVER'S POV :

"Anong ginagawa ninyong dalawa?!" Nagulat kami ni Hopper nang umalingawngaw sa Playroom naming dalawa ang Nakakatakot na boses ni Mommy Eleina. "Naglalaro na naman kayo ng mga pisteng — "

"Mom, ano na naman bang masama sa ginagawa namin? We're just playing some— "

"It's Saturday. Dapat nasa Company kayo para tulungan ang Daddy ninyo!" Nagtinginan kaming dalawa ni Hopper. "Palibhasa mga wala kayong alam! Puro pabigat sa buhay!"

"Mom, please. Enough." Awat ko kay Mommy. "Every weekends, Lagi halos kaming nasa Kompanya para tulungan si Daddy. Para matuto." Kalmado kong sabi. "Kaya please, nakikiusap akong kahit ngayon lang, hayaan naman ninyo kaming gawin— "

"No! Huwag ninyo akong kontrahin dahil hindi ko itotolerate ang katamaran ninyo— "

"Hindi kami tamad!!" Nanggagalaiting sigaw ng kakambal ko.

Ito ang isa sa mga differences namin, Kung ako kaya kong kontrolin ang galit O kahit ano pang emosyon ko, Si Hopper, Hindi. Kapag galit, galit talaga.

"Huwag mo akong sigawan— "

"Dahil sumusobra ka na, Mommy!" Kitang kita ko ang inis sa mukha ng kakambal ko. "Hindi kami tamad at lalong hindi mo kami mga tauhan! Mga anak mo kami, Mom. Mga anak mo kami na nangangailangan din ng kaunting—"

"Anong gusto ninyo? Hayaan ko kayo and then what? Mas lalo lang kayong hindi matututo sa kung paano maging responsable." Bahagyang lumungkot ang mukha ni Mommy. "Ayaw ko ng mawalan dahil sa pagiging irresponsable ninyo, Hopper, Grover."

"Really now, Mom? Hanggang ngayon ba naman kami pa rin ni Hopper ang sisisihin mo. Ang palagi mong sasabihang irresponsable dahil — "

"Dahil iyon ang totoo!" sigaw ni Mom.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko lalo na nang makita kong may tumulo ng luha sa pisngi ni Mommy. Naiintindihan naman namin ni Hopper kung saan siya nagmumula. Kung saan nanggagaling ang galit niya sa amin pero dumarating din naman kaming magkapatid sa punto na hindi na namin kaya. Na hindi na namin kayang palagpasin ang bawat masakit na salitang ibinabato ni Mommy sa amin.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora