CHAPTER 58 - First LQ

2.4K 137 11
                                    

SAIYAN’S POV :

“Mmm ..” I groaned. Nag-iingay na ang alarm clock sa nightstand. “Damn it! Gusto ko pang matulog, bakit nag-iingay ka na?!” asik ko dito na parang may utak.

Fuck! Fuck! Fuck!

“Son.”

Sapilitan akong bumangon nang marinig ko ang boses ni Mommy.

“Morning, Mom.”

“Morning. Tumayo ka na diyan at kanina pa nakahain si Manang ng almusal.”

“Maliligo lang po ako.”

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Mommy habang nakatitig sa ‘kin. Tumayo naman ako at akmang papasok ng banyo nang muli na naman siyang magsalita.

“Sai, Galit ka ba sa amin ng Daddy mo, Anak?”

“Bakit kailangan ninyo akong pahirapan, Mom?” Tanong ko na hindi man lang humarap sa kaniya. “Bakit kailangang ipagpilitan ninyo sa akin ang isang bagay na hindi ko naman gusto?”

“Dahil iyon ang makabubuti para sa kinabukasan mo, Saiyan. Walang magulang na gustong pahirapan ang mga anak nila — ”

“Paulit-ulit nalang tayo dito. Sige na, Mom.” Matabang kong sabi. “Susunod nalang po ako sa kusina.”

“Saiyan — ”

Itinaas ko sa ere ang isa kong kamay, dismissing her. Nakakasawa ng pag-usapan ang kagustuhan nilang maging tuta nila ako. Nakakapikon.

Pumasok ako sa banyo at tumapat sa shower. Sira na naman ang araw ko.

NAKABIHIS na ako’t lahat nang saka ko palang napagtuunan ng pansin ang phone kong nasa kama ko pa at katabi ko sa pagtulog kagabi.

Matapos kong ipaalam kay AM na maayos na ang lagay ng Lolo ay hindi ko na uli siya tinawagan pa kagabi. Nakatulog ako ng maaga dahil sa pinagsama-samang antok, at pagod.

Bumuga ako ng hangin bago dinampot ang phone ko. Bumungad sa ‘kin ang Group Chat ng tropa.

Harvy : Just wondering kung anong pinag-usapan ninyo ni Siggy kanina, pare.

Kenshi : None of your business, Asshole.

Hiro : Chill, Kenshi. Nakakapagtaka naman kasing bigla nalang kayong naging Close friend.

Kenshi : Anong masama ro’n?

Grover : Hey, people! Nandito kami ni Hopper at kapatid namin ang pinag-uusapan ninyo. Mga gago!

Harvy : *Sent a photo*
Harvy : See? Napapatawa mo na rin ang malditang si Siggy. Haha!

Damn! Conversation nila ‘to kagabi. Oh, fuck!

Marahas kong dinampot ang bag at susi ng kotse ko at saka malalaki ang hakbang na lumabas ng silid ko at nagtatakbo pababa ng hagdanan.

“Mom, Dad, aalis na ako.” Paalam ko sa parents kong nasa mesa at nag-aagahan na.

“What? Ang aga mo naman ‘ata, hijo? Mag-almusal ka muna.”

“Wala akong gana.”

Naiinis ako. Naiirita habang paulit-ulit na rumerehistro sa utak ko ang sinend ni Harvy sa GC na larawan ni Kenshi at AM na nagtatawanan.

Sweetheart, pinagseselos mo na naman ako.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя