CHAPTER 9 - Sweet Revenge

4.2K 243 4
                                    

ALANIS’ POV :

Monday ngayon. Mabuti nalang din at alam ko na kung saan ang bahay ng kaibigan kong si Sigrid kaya ako na ang susundo sa kaniya.

Nakaparada sa harap ng bahay nila ang kotse ko at hinihintay ko nalang siya. Maya-maya ay lumabas na siya kasama ang kaniyang Lolo at Lola kaya hindi ko rin tuloy maiwasang hindi mainggit sa kaniya. Mabuti pa kasi siya may Grandparents pa. Hindi katulad ko. Pero nasaan ba ang mga magulang niya? Wala kasi siyang nakukuwento sa akin e.

“Magandang umaga po.” Bati ko kina Lolo Gaudencio at Lola Maurita sabay mano sa kanilang dalawa. “Magandang umaga, Beshie.” Bati ko kay Sigrid.

“Good morning too.” Tamo? Sabi ko Beshie pero ‘di ako tinawag ng ganoon. Bad, Sigrid.

“Magandang umaga naman, Alanis.” Nakangiting bati din ni Lolo Gaudencio sa akin.

“Maraming salamat at dinaanan mo ‘tong apo namin.” aniya naman ni Lola Maurita. “mapapanatag kami ng Lolo Gaudencio mo na kahit papaano ay hindi siya mapapagod muna sa pag-commute dahil baka mabinat siya.”

“Walang anuman po. Alam niyo namang kaibigan ko ‘yan kahit ‘di niya ako tinuturing na kaibigan, Lola.” Nakangusong sabi ko.

“Hoy, Alanis ah. Nagsisinungaling ka na naman.” singhal ni Sigrid sa akin na ikinatawa ko. “Huwag po kayong magpapaniwala sa kaniya.” Baling niya kina Lolo at Lola. “Namimiss lang po ako ng babaeng ‘to kaya ‘yan nagkakaganiyan.” dagdag pa niya.

“Naku mga bata kayo. Sige na, lumakad na kayo at baka mahuli na naman kayo sa klase.” Pagtataboy ni Lola Maurita sa amin. “Sigrid, yung bilin namin ng Lolo mo ha? Huwag mong kalimutan, Apo. Huwag kang makipag-away sa eskwelahan para hindi ka nila patalksikin doon.” wika ni Lola kay Sigrid. Huwag niyo na akong pansinin kung nakiki-Lolo at Lola na ako. Nakakamiss kayang may tinatawag ng ganoon.

“Alanis, Bantayan mo ‘tong kaibigan mo ha? Baka mamaya manapak pa ‘yan ng Lalaki aba’y matapang pa naman ‘tong maganda naming, Apo.” sabi naman ni Lolo Gaudencio.

“Lolo, ‘di ba napag-usapan na nating huwag mong basta sinasabing maganda ako? Mainggit pa si Alanis. Tingnan mo lang, 'lo.” aniya ni Sigrid na ikinahagalpak namin ni Lolo Gaudencio ng tawa. Grabe, Lakas ng confidence ng kaibigan ko. Sana maambunan niya ako. “Tinatawanan niyo na naman ako.” Nakangusong aniya saka niya niyakap at hinagkan sa kanilang mga pisngi sina Lolo at Lola. “Tutuloy na po kami, Lolo, Lola. Mag-ingat po kayo dito ah?” paalam pa niya sa kanila.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now