CHAPTER 21 - Saiyan's Confession

3.4K 207 28
                                    

SIGRID'S POV :

Hays! Good morning, Philippines! Ang aga-aga pa pero kailangan ko ng bumangon kasi tumawag ang magaling kong alagang Shokoy kagabi at sinabing maaga siyang pupunta dito sa amin para sunduin ako. Argh! Sana kasi hindi nalang siya napabilang sa grupo ko para walang sakit sa ulo. Nakakainis!

"Lola, Good morning." Humalik ako sa pisngi ng Lola kong kasalukuyang nasa harap ng Lutuan at abala sa pagluluto ng aming almusal.

"Magandang umaga din sa 'yo, Apo. Maupo ka na diyan at malapit na ring maluto ito."

"Sige po pero nasaan po si Lolo?" Hindi ko kasi nadatnan dito sa kusina ang Lolo ko.

"Nasa likod-bahay, Apo. Nagsisibak ng kahoy para gawing panggatong." aniya ni Lola. "Bakit nga pala ang aga mong nagising samantalang sabado naman ngayon?"

"May gagawin po kasi kaming Research paper ngayon, Lola. Kasama ko po sina Saiyan at Kenshi at ako po ang Leader ng group namin."

"Saan naman kayo gagawa niyan?"

"Ah, doon po sa bahay ng kaibigan ng dalawa, Lola." Sabi ko. "Susunduin nalang daw po ako ni Kenshi kasi hindi ko rin alam 'yung bahay kung saan po kami gagawa."

"Ganoon ba? Sige, magpaalam ka na sa Lolo mo at tawagin mo na rin para makapag-almusal na tayo." utos sa akin ni Lola.

Tumango ako at naglakad na palabas ng bahay. Hala?! Patakbo akong nagtungo sa kotseng nakaparada sa harap ng bahay namin. My god! Kotse 'to ni Shokoy! Nandito na siya?! Anak ng Shokoy!

"Lolo!!" nagtatakbo ako papunta sa likod-bahay. Wala kasi si Kenshi sa loob ng kaniyang kotse kaya baka magkasama sila ng Lolo ko. "Lo — Kenshi?!" Gulat na bulalas ko nang madatnan kong hindi si Lolo Gaudencio ang nagsisibak ng kahoy kundi ang anak mayaman na si Kenshi. "Itigil mo nga 'yan! Gusto mo bang pagalitan ako ng Mommy mo 'pag nalamang nagsisibak ka ng kahoy dito sa amin at hinahayaan lang kita? Gusto mo bang isipin ng mga magulang mo na ang anak nila ay nagmumukhang alila sa — "

"Chill up. Wala namang mali sa ginagawa ko 'di ba? I was just helping Lolo Gaudencio — "

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now