CHAPTER 74 - Back To Reality

1.8K 96 13
                                    

SIGRID’S POV :

BACK to normal life. Back to reality. Yeah, pumunta kami ng Tagaytay na mabigat ang loob ko but thanks to Kenshi dahil ngayon sa pag-uwi namin ay magaan na ang kalooban ko.

Handang-handa na akong harapin si Saiyan kung sakali mang mag-reach out siya sa ‘kin.

“Ready to face him?” Tanong ni Kenshi habang nagmamaneho. Ang dalawang bata naman ay parehong nasa backseat at natutulog.

I nodded. “Yeah. Handang handa na.”

Tawagan mo lang ako kung may problema ka, okay?”

“From shokoy to gummy bear and now you also wanted to be a superman? Grabe. Kaya mo pa?” Panunudyo ko sa kaniya.

Manang, ah. Tigil-tigilan mo na ako sa pambubuska mong yan.”

Napangiti nalang ako bago ibinaling ang tingin ko sa labas ng bintana. “Thank you, Gummy bear.” sambit ko.

“For what?”

“For the wonderful weekend. I enjoyed being there,” sabi ko saka sinulyapan ang dalawang bata. “with these two adorable kids.”

“Yeah, right. No problem.”

Natawa ako sa tinuran niya. Alam kong nagtatampo siya dahil malamang sa hindi ko pagbanggit sa pangalan niya.

Tumitig ako sa kaniya habang nakatingin siya sa harap. “I also enjoyed your company kahit na buwisit na buwisit ako sa ‘yo.” Sabi ko ng nakangiti.

“Tsss,” He hissed while shaking his head. Kailangan ba talagang sundan ng negatibo 'yong positibo?”

I chuckled. “Siguro? Ewan.” Huminga ako ng malalim at sumeryoso na. “Kayo ni Freya, anong balita sa inyo? Sinagot ka na ba niya?” Biglang tanong ko.

Binagalan niya ng bahagya ang takbo ng kotse at lumingon sandali sa akin na nakakunot ang kaniyang nuo. “Saan mo naman nasagap ang balitang ‘yan?” He asked before his gaze shifted back onto the road.

Tinaasan ko siya ng isang kilay, “Saan pa, e ‘di sa kaniya. Magkaibigan kami kaya natural na magkukuwento siya ng tungkol sa inyong dalawa at saka wala namang masama ro’n kasi nagsi-share rin naman ako sa kanila ng mga ganap between my relationship with Saiyan.”

“But that was a lie!” pagalit niyang sabi. “I’ve never courted her,” dagdag niya at muling sumulyap sa gawi ko. and I will never court her. She's sick for spreading such kind of a crap.” parang nauumay niyang sabi.

Pinitik ko siya sa braso ng malakas. “Baka nakakalimutan mong kaibigan ko ‘yong pinagsasabihan mo ng ganiyan? Nako, Ken. Love ka ni Freya ng super duper ultra mega major — ”

“Wala akong pakialam, April.” Putol niya sa ‘kin at halatang iritang-irita na siya sa topic namin. Bastos talaga. “And I can’t believe you actually believed her. April, ako ang magsasabi sa ‘yo kung may nililigawan na ako at kung sino kaya ‘wag kang basta-basta nagpapaniwala sa mga tsismis kahit sa kaibigan mo pa mismo nanggaling.”

“Fine. Diyos ko, nagtanong lang naman ako, ang dami mo na kaagad sinabi. Napaka-defensive mo. Daig mo pa ‘yung boyfriend na hinuhuli ng girlfriend.”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now