CHAPTER 32 - The Truth

3K 195 23
                                    

GROVER’S POV :

Fuck! Kailangang makita ni Mommy at Hopper ito lalo na si Mommy. This is the evidence we are all looking for to clear things out.

Huminga ako ng malalim saka kinapa ang cellphone sa bulsa ko. Tinatamad na akong puntahan sa kuwarto niya ni Hopper kaya ititext ko nalang.

Private Room. NOW.

AFTER sending the message to Hopper, Itinuon kong muli ang atensyon ko sa CCTV monitor kung saan pinapanood ko ang footage noong sabado kung kailan sinabi ni Maya na nakita niya si Sigrid na nagnakaw.

“Anong mayro’n dito?” Kaagad na tanong ni Hopper pagpasok pa lamang dito. “What’s that?” Tanong niya saka naupo sa swivel chair sa tabi ko.

“Gusto nating malinis ang pangalan ni Sigrid, right?” Tinanguan niya ako. “Then watch this.” I played the CCTV footage again.

This is the advantage of placing lots of CCTV cameras in every corner of a house.

Sa Cam 2, nasa sala si Sigrid at abala sa pagpupunas ng mga muwebles then minutes later, lumapit sa kaniya si Maya. 

Sa Cam 3, pumasok si Sigrid sa Office ni Mommy na hawak pa rin ang kaniyang pamunas ngunit may dala na ring walis at Dustpan.

Sa Cam 5, nasa loob na si Sigrid na parang batang nagpaikut-ikot bago nagsimulang maglinis sa Office ni Mommy.

“Wait. ‘yung hawak niya is ‘yung photo album natin nu’ng 5th birthday natin, right?” Tanong ni Hopper sa ‘kin.

“Uh-huh.”

Wala pa 'atang dalawang minutong binubuklat ni Sigrid ang Photo album nang may mang istorbo sa kaniya kaya napatingin ako sa Cam 4. Si Ate Minerva ang nasa pintuan at halatang tinawag si Sigrid dahil maya-maya lang ay nakita na namin sila sa Cam 6 at magkasama silang naglalakad sa passageway.

The Camera that is placed at the kitchen room which is called Cam 8, naroon naman si Maya na halatang may sinisilip and for sure, Sina Sigrid ang kaniyang sinisilip. Maya-maya lang ay sa Cam 3 na namin siya ulit nakita which is, ang loob na ng Office ni Mommy.

“Gotcha!” Bulalas ni Hopper nang hawak na ni Maya ang Relos ni Mommy.

“I knew it.” sambit ko. Siya talaga ang may gawa pero paanong napunta sa Bag ni Sigrid?”

Malalaman natin ‘yan paglabas niya ng Office ni Mommy.” Tugon ni Hopper. Panoorin nalang natin.”

Hindi na ako kumibo at ibinalik nalang ang tingin ko sa monitor at sa pagkakataong 'to ay nasa Kitchen na ulit si Maya at hawak na niya ang bag ni Sigrid.

“Okay. The game is over.” I said as i stood up. “Let's go.” naglakad na ako palabas ng silid pero tumigil din at muling sumilip kay Hopper. Tawagin mo si Mommy para malaman niya kung anong totoong nangyari.”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now