CHAPTER 53 - Magic Spell

2.9K 163 30
                                    

KENSHI’S POV :

What i witnessed at the parking area really inflicted so much pain in me.. in my heart.

Yeah. Nakita ko ang lahat dahil matapos kong makabawi sa sobrang pagkagulat sa anunsiyo ni Uncle Melandro kanina ay sinundan ko si Sigrid —este, April Miracle pala.

Nakita ko ang lahat. Nasaktan ako ng sobra kahit wala naman akong karapatang makaramdam ng ganoon dahil una sa lahat ay hindi ko naman siya pag-aari. Pangalawa, Hindi ako hinahayaang pormal siyang ligawan. Pangatlo, Hanggang titig nalang ako mula sa malayo.

Bakit ba kasi kailangang masaktan kapag nagmamahal ka? Nagmamahal ka lang naman ‘di ba? How ironic. You only want to be happy and loved, So, Bakit kailangang may kakambal na pain?

Ako, Si Kenshi Guttierez, Iibig sa isang babaeng hindi ako makita? Masasaktan ako at tanging ako lang din ang nakakaalam? Nakakatawa.

“Hey! Saan ka pupunta?”

Boses ni Hopper iyon pero hindi ko na siya nilingon pa. Maling ideya talaga ang pagdalo ko sa Birthday party ni Uncle Melandro. Maling mali.

“Uuwi na ako.” Sabi ko nang maramdaman ko ang presensiya ni Hopper sa likuran ko. “Thank you for inviting me — ”

Anong problema, Kenshi?”

How ironic. “Hindi naman ako na-inform na may pakialam ka pa pala sa kaibigan mong gago.” May bahid panunuyang sabi ko.

“Is this about my sister?” Hindi man lang niya pinansin ang sinabi ko.

Huminga ako ng malalim saka siya hinarap. Sister.” Ulit ko. “Yeah. Kapatid mo nga pala siya kaya naman ganoon na lamang ang pagtatanggol ninyo ni Grover sa kaniya.” I smiled bitterly. Malayo na nga sa akin si Sigrid, Mas tiyak kong magiging malayo pa siya sa akin ngayong siya pala si April Miracle.”

Nakita kong bumuka ang bibig ni Hopper at tangkang magsalita pero mabilis din niyang itinikom muli ang bibig.

Ang prinsesa ng mga Vizconde.” Patuloy ko. “I’m sorry, Hop.”

“For what?”

“For hurting and for loving her.” I said. Nasaktan ko siya and i really am sorry for that,” i paused and took a very deep breath. Mahal ko siya kahit alam kong malabong magkapuwang ako sa puso niya pero Sorry dahil kahit na gano’n, Hindi ko pa rin siya kayang bitawan.” seryosong sabi ko. Masiyado kong mahal ang kapatid mo na kahit gago ako ay kaya kong panghawakan ang kahit two percent lang na pag-asa ko sa kaniya, Hopper. I’m willing to get hurt, to suffer from pain for the sake of my love for her.”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon