CHAPTER 80 - Betrayal

2.1K 112 44
                                    

HOPPER’S POV :

“Princess?” Tawag ko sa kapatid ko habang kinakatok ang pinto ng kuwarto niya. “Puwede ba akong pumasok?”

“Bukas po ‘yan, Kuya.”

Agad kong pinihit pabukas ang seradura at pumasok sa loob. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sahig at nakasandal sa kaniyang kama pero nakapangalumbaba.

Anong problema mo? Bakit biyernes santo ‘yang mukha mo?” natatawang tanong ko.

“Wala. Huwag mo nga akong pakialaman, Kuya.” nakabusangot niyang wika. natawa nalang din ako. “Ano bang kailangan mo?”

Kausap ko si Nathalie kanina at pinapatanong kung free ka ba today. Magpapasama raw sa ‘yo sa mall.”

Bakit ako? Ikaw naman ang boyfriend niya.”

Marami akong gagawin today, Princess. Bumabangon palang tayo di ba?”

“I’m sorry, Kuya. Hindi rin kasi ako puwede ngayon, e.” She said and quickly averted her gaze towards the floor. Pupuntahan ko kasi si Saiyan.”

I groaned, “That guy again. Kailan ka ba matatauhan, AM? Ako kasi matagal ng natauhan dahil kung noon, gustung-gusto ko siya para sa ‘yo kasi akala ko noon, magiging mabuti siya para sa ‘yo dahil kaibigan ko siya at kilala ko na siya but turns out, mali ako. Hindi ko pa pala siya gano’n kakilala so please, wake up! Hindi siya — ”

“Kuya, tama na!” ang sama na ng tingin niya sa ‘kin. “Hindi ko naman pinapakialaman ang love life mo ‘di ba?” inis pa rin niyang dagdag bago hinilot ang kaniyang sentido. “Gusto ko lang namang maging masaya, e! Gusto ko lang namang ibalik ‘yung dating kami ni Saiyan. ‘Yung tipong walang pakialam sa iba. Tipong kami lang dalawa. ‘Yung masaya lang. Walang problema at higit sa lahat, walang mga taong nasasagasaan— nasasaktan.”

Umiskwat ako sa harapan niya saka ko siya tinitigan ng diretso. “Seems like you’re in a deep trouble, Princess. Why? what’s wrong? what happened?” Sunud-sunod kong tanong.

“Si Kenshi — ”

“Anong ginawa ng gagong ‘yun sa ‘yo?”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon