CHAPTER 62 - Gummy Bear

2.1K 133 14
                                    

SIGRID’S POV :

“Wake up ..”

Nagmulat ako ng mata nang may yumugyog sa ‘kin ng bahagya para gisingin ako.

“Baby, gising. Nandito na tayo.”

“Kenshi .. ”

“Yeah. Mainit ka, AM. Halika na. Kailangan mong makainom ng gamot.” Mahinang aniya sa nag-aalalang tinig. “Nagkasinat ka dahil sa katangahan mo.”

“Ganiyan ka ba talaga mag-alala? Kanina mo pa ako sinasabihan ng tanga.”

“I’m not used in sugarcoating my words, Baby.” aniya na ikinanguso ko. “I will be upfront to you and will tell you the way I see it not the way you wanted to hear it.”

“E, ‘di ikaw na ang hindi stupid.” Sabi ko.

Umiling siya at kinapa ang noo ko. “Mainit ka pa rin kaya halika na. Hindi dapat ipagpaliban ang pag-inom mo ng gamot dahil baka lumala ‘to.”

“Ayos lang ako, Kenshi. Hindi mo ako kailangang alalahanin.”

“Iyon na nga lang ang puwede kong maramdaman, ipagkakait mo pa? Ang bastos mo naman.”

“Ewan ko sa ‘yo.” sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Narinig ko naman ang napakalalim niyang buntong-hininga kasunod ng pagbukas niya ng pinto sa tabi niya at maya-maya lang ay nasa tabi ko na rin siya.

“Dito ka muna at kukuha lang ako ng payong sa inyo.”

Tumango nalang ako. Nakita kong may dala siyang payong kanina pero iniwan niya sa waiting shed nang buhatin niya ako.

Hays! Kung hindi lang malakas ‘yung ulan kanina, Hindi naman sana ako mababasa dahil sa anggi at kung sana tinawagan ako ni Kuya kanina bago ang school dismissal, Kay Saiyan nalang sana ako nagpahatid.

“Halika na.”

Napaigtad pa ako sa gulat nang muli kong marinig ang boses ni Kenshi na hindi ko man lang namalayang nakabalik na pala.

“Bilisan mo habang humina ng bahagya ang ulan.” Sabi niya bago dinampot ang mga gamit ko sa loob ng kotse niya. “Kaya mong maglakad? hindi ka ba nahihilo?”

“Kenshi, I'm fine.” Natatawang sabi ko. Sinat lang ‘to, okay? Iinom lang ako ng gamot tapos mawawala na ito kaagad.”

“Huwag kang tatawa-tawa diyan. Hindi mo talaga alam kung paano ko sinuong ang malakas na ulan kanina para lang mapuntahan ka. Kung nahuli lang ako ng dating kanina, Hindi ko alam kung saan ka na inabot ng katangahan mo.”

“Wow! Nakakasakit ka na, ah?”

“Nakakasakit ka na rin naman.”

Magsasalita pa sana ako para magprotesta pero nakita ko ang Lola kong nakaabang sa malaking pintuan kaya itinikom ko nalang ulit ang bibig ko.

“Lola — ”

“Diyos kong bata ka! Bakit ka ba naman nagpagabi?”

“Lola, Kailangan niyang makainom ng gamot.” Ani Kenshi. “Mainit siya kasi basang basa ‘yan ng ulan kanina. Sorry, Lola, pero kasi ang tanga talaga nitong apo niyo.”

“Hey! Sumusobra ka na, ah? Hindi naman porket tinulungan mo ako, e, masasabi mo na sa akin lahat ng gusto mong sabihin.”

“O, siya. Tama na ‘yan. Magbabangayan na naman kayo.” Saway ni Lola sa amin bago kinuha ang mga gamit ko sa kamay ni Kenshi. “Pumasok ka na, AM. Ikaw din, Kenshi, pumasok ka muna at basa rin ‘yang suot mo.”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin