CHAPTER 12 - His Nanny

3.8K 229 10
                                    

KENSHI’S POV :

Ano na naman bang problema mo ha, Kenshi? Lagi nalang ba tayong ganito pagdating sa pag-aaral mo?” Galit na galit si Mommy dahil nagsumbong na sa kaniya si Sir Andres. “Hindi ka na ba talaga magtitino? Tell me!”

“Hindi naman

“You shut up!”

Magtatanung-tanong. Magsasabi-sabi ng Tell me tapos ‘pag sumagot sisigawan ng Shut up. Ang gulo na nga ng mundo dumadagdag pa si Mommy.

“So anong gagawin niyo ngayon? Ipapatapon ako sa Mega High? ‘yun ang gusto ninyo ni Daddy di ba?” Walang gana kong tanong.

“No. Hindi namin gagawin ng Daddy mo yun sa’yo.”

“Okay. Papasok na ako sa kuwarto ko.” Sabi ko.

Hindi ako bastos sa magulang ko pero minsan naiinis din ako sa kanila. Nakakasawang pakinggan ang mga rants nila sa’kin.

Pumunta ka sa Office ko bukas at doon mo malalaman ang gusto kong mangyari.” Biglang naging malumanay ang boses ni Mommy. “All i want is the best for you, Son. Please, tama na ang mga kalokohan mo. Be matured naman, anak. Hindi naman kami ng Daddy mo ang makikinabang kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral. Ikaw din mismo ang makikinabang. Anak, hindi mo alam ang mangyayari in the future. Hindi natin alam kung mananatili tayong may kaya. Hindi natin alam ang ikot ng gulong ng buhay, Kenshi. Isipin mo naman ang sarili mo. Magtino ka na.”

Tumango nalang ako. Ilang beses ko na bang narinig ang mga katagang ‘yun kay Mommy? I think a million times already.

Magpapahinga na ako, Mommy.” paalam ko sa kaniya saka siya tinalikuran.

Huwag mong kalimutang puntahan ako sa Office ko bukas, Kenshi.”

“Yes, Mom.”

Naglakad na ako ng hagdanan paakyat sa kuwarto ko sa second floor.

Kasalanan 'to ni Manang Signerd. Hindi ako babagsak sa quiz at hindi sana ako sasabunin ni Mommy kung hindi dahil sa kaniya.

Humilata ako sa kama saka inilabas ang phone ko mula sa bulsa ng pantalon ko. Binuksan ko ang Facebook ko at ..

Facebook Notification:

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now