ART 1

32 2 0
                                    

DARE

Bwisit na Drake na 'yon. Hindi man lang nagsorry kahit natapunan n'ya ako ng juice sa uniform.

"Oh, bat ganyan mukha mo?" tanong ni Xandra, bestfriend ko.

"Pa'no kasi 'yong walaghiyang Drake na 'yon tinapunan ng juice ang uniform ko, Look." Tinuro ko sa kan'ya ang may mantsa kong blouse.

"Ah! I have an idea. Gusto mo bang makaganti?" biglang tanong nito.

"Oh, ano na naman naiisip mo?Alam mo namang imposible akong makalapit do'n sa mokong na 'yon, makaganti pa kaya. Eh parang s'ya na ang hari dito sa school," pangunguna ko.

"Ikaw bahala p'wede pa rin 'yang maulit sa 'yo at sa iba. At saka ang kilala kong Lea palaban."

"Wait, What makes you think na gagawin ko ang naiisip mo?" taas kilay kong tanong sa kan'ya.

"Hmmm, 1 week treat for lunch?"

"No, tigilan mo 'ko. Ginagamit mo ang kahinaan ko."

"2 weeks?"

"Still no."

"Okay, 1 month. Deal?"

"Deal, So what's your crazy dare?"

- - -
Kabado akong naglalakad palapit kay Drake. Punyeta talaga, kung hindi lang talaga ako makakatipid ng 1 month hindi ko 'to gagawin.

FLASHBACK*
"Deal. So what's your crazy dare?"

"Very simple. Just punch him on his face but make sure na mapupuruhan ah," nakangisi niyang saad na ikinalaki ng mata ko.

"Wait, What! Are you crazy? Ikaw ba ang may galit sa kan'ya o ako?" Nawiwindang ako sa naiisip nitong kaibigan ko.

"Well, I'm just doing you a favor. It's exciting kaya."

"Fine. Ako na bahala."
END OF FLASHBACK*

Tumigil ako sa harap n'ya. Mukhang nagtataka at nakakunot na noo ang sinalubong n'ya sa akin. Shit! Ba't ang gwapo n'ya. No Lea, you can do it. Walang sabi-sabi ko s'yang sinuntok ng malakas sa mukha bago tumakbo ng mabilis. Feeling ko nga namanhid ang kamao ko. Jusko, sana sikatan pa ako ng araw bukas.

"OMG! Beshy you did it! 'Yon nga lang kalat na sa social media ang ginawa mo." Muli aking napairap. Sabunutan ko kaya 'tong kaibigan ko nang matauhan s'ya na kagagawan niya ito.

"Kasalanan mo 'to eh. Bahala na, tara libre mo na ako. Remember, nagawa ko 'yong dare?"

"No problem."

Habang naglalakad kami sa hallway ay puro masasamang tingin ang ipinupukol sa akin ng mga kababaihan. So what? Their precious Drake deserves my punch. Napatigil kami nang may grupo ng babae ang humarang sa amin. Walang sabi-sabing sinabunutan ako.

Tadyak, kurot, sampal ang inabot ko sa kanila. Hindi naman ako matulungan ni Xandra dahil hawak siya ng mga alipores. Kapag ako nakalabas dito humanda kayo.

"STOP!" tumigil lang sila dahil sa maotoridad na boses. Thanks kung sino man s'ya.

Inayos ko muna ang sarili ko bago tumayo.

"Let me punish this girl through my own way." Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses n'ya. Unti-unti s'yang lumapit at dahil nga sa kaba ay hindi na ako makagalaw.

"A-anong gagawin mo?" lakas loob kong tanong sa kaniya.

"I'll punish you." Walang pasabi n'ya akong kinabig at hinalikan. Agad naman s'yang humiwalay at 'saka bumulong na siyang ikinatayo ng balahibo ko.

"You're sealed. You can hurt me forever baby, but you'll never escape from my sweet punishment."

Damn.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now