ART 42

3 0 0
                                    

ANG GAWA NI MAMA

Huling subject na lang namin at uwian na. Agad bumagsak ang paningin ko sa aking future bebe na busy na naman ata sa pagdo-drawing.

Dali-dali akong tumabi sa kan'ya at kunwareng nanood.

"Ang galing naman," puri ko dito kaya napatingin siya sa akin.

"Thanks Chels," simpleng sagot niya. Ang cold talaga!

"Ralph."

"Hmmm?"

"May pupuntahan ka ba bukas?"

"Wala bakit?"

"Papasama sana ako," seryosong saad ko dito.

Kalma self, 'wag kang kikiligin.

"Saan?" taka niyang tanong.

"Sa pagtanda hahaha."

Nakita kong namula ang tenga niya at hindi na lamang pinansin ang sinabi ko. Asus, pakipot din si crush, eh.

"Ralph, may binibenta nga pala akong sapatos," kunwareng seryosong saad ko.

"Eh? Magkano?" tugon niya kahit halata namang hindi siya interesado. Kilig ka tamo.

"8K"

"Mahal naman."

"Yes, bakit mahal ko?" nakangiting saad ko na ikinatawa niya.

"Ikaw talaga Chelsea puro kalokohan," naiiling niyang wika.

Naputol naman ang kaharutan ko nang marinig ko ang pangalan ng bebe Lysander ko mula sa mga kaklase kong babae.

Agad ko silang nilapitan at iniwan si crush. Wala eh mas love ko ang mahab--este si bebe Lysander ko.

"Hoy, bakit niyo pinagnanasaan ang bebe Lysander ko?" mataray na pagsingit ko sa mga ito.

"'Di naman siya sa 'yo, Chelsea. Stop assuming," natatawang sambit ni Cristine.

Aba, Aba! Hinahamon ata ako nito ah.

"FYI, akin lang si Ly--teka ano ba?"

Nagulat ako nang hilahin ako ni Ralph ko at iharap sa kan'ya. Sobrang sama ng aura nito-- parang inis.

"Problema mo?"

"Ikaw, matapos mo akong pakiligin iiwan mo lang ako ng basta. 'saka sino ba 'yang Lysander na 'yan ha? Eh mas mahaba naman ang akin diyan."

Napanganga ako sa sinabi nito.

"Alin ang mahaba?"

Nakita ko namang namula siya sa tanong ko.

"Nevermind. Tara na nga sa bahay gusto ni mama na matikman mo 'yong gawa niya," wika niya at hinila ako paalis.

"Ano bang gawa ng mama mo?" takang tanong ko sa kan'ya.

"Ako," nakangisi n'yang saad bago ako kinindatan.

Sherep nemen ng gawa ni mama.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now